May 08, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Iringan sa Bahay ni kuya
 

NANGANGAMOY-AWAY na sa Bahay ni Kuya!
Nagkampihan sina Priscilla, Valerie, Nicole at Beauty laban kay Shy at sa tagapagtanggol nitong si Rona.
Pagpasok pa lang ni Shy sa Bahay ni Kuya, mabigat na ang loob ni Priscilla rito.
Pakiramdam niya Prtiscilla, may dalang negative vibes si Shy.
Nakisama kapagkuwan sina Nicole, Beauty at Valerie kay Priscilla. Marami silang reklamo kay Shy.
Tuwing magkakaroon ng kakaiba o pangit na pangyayari ay si Shy ang agad nilang pinagsusupetsahan!
Si Rona ang tanging babaeng housemate na umuunawa kay Shy.
Pilit niyang kinukumbisi ang apat na intindihin ang bagong salta.
Nagkainitan ang mga dalaga nang minsang mag-usap sila sa girls’ bedroom.
Maunawaan pa kaya ng apat na babaeng housemates sina Rona at Shy at makipagbati sa mga ito?
Matutunghayan mula Lunes hanggang Biyernes ang PBB Teen Edition Plus Uber (5:30 PM) at PBB Teen Edition Plus Primetime (pagkatapos ng Lobo) sa ABS-CBN. Mapapanood din ang mga housemates sa Studio 23 araw-araw, 12:00-2:00 PM at 24/7 online via TFCNow Live Stream (www.abs-cbnnow.com).

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES