May 08, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
‘Deal or No Deal’ hindi big deal
(ABU TILAMZIK)
 

NAKAKUHA ako ng rating ng Deal or No Deal na Philippines episode na lumabas sa NBC nu’ng Mayo 5.
Sa Amerika lang ito lumabas at nag-text sa akin ang isang kaibigang nasa Amerika para ipaalam na hindi ito gaanong nag-rate.
Ipinadala sa akin ang overnight rating hango sa Neilsen Media Research na gumagawa ng ratings sa Amerika.
Ang episode ng DoND (US version) kung saan isa si Kris Aquino sa nag-host, sa 1st hour ay 5.2% , at sa 2nd hour ay 5.7%.
Mababa ito kumpara sa mga nakaraang episode ng naturang game show na nakakakuha ng 5.9% hanggag 6.8%.
Ibig sabihin, hindi sila ganu’n kainteresado sa Philippines episode nito.
Ganun lang daw ang nakukuhang rating ng game show na ito dahil hindi na ito ganu’n ka-hit.
Text sa akin ng isang kaibigang sumusubaybay ng mga ganitong programa sa sa Amerika, “One season wonder lang ang Deal or No Deal. Ngayon, lost na. Pati Big Brother, ganyan na rin, average na lang. Deal or No Deal is not a Big Deal after all.”
Anyway, narito ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng MARTES (Mayo 6):
SiS 10.7% vs. Boy and Kris 8%;
The Big Show 16.6% vs. Game Ka Na Ba 17.3%;
Eat Bulaga 21.3% vs. Wowowee 16.7%;
Daisy Siete 22.3% at Maging Akin Ka Lamang 21.5% vs. Prinsesa ng Banyera 11.3%;
Kaputol ng Isang Awit 22.4% vs. El Cuerpo del Deseo 13.7%;
Gobingo 13.2% vs. Wheel of Fortune 15.6%;
24 Oras 29.4% vs. TV Patrol 20.6%;
Joaquin Bordado 38% vs. The Singing Bee 22.7%;
Dyesebel 42.3% vs. Lobo 21.6%;
Babangon Ako’t Dudurugin Kita 35.8% vs. PBB Teen Edition Plus 23.4%;
The Legend 21.8% vs. Maligno 17% at Lovers 15.7%;
Kung Ako Ikaw 12.1% vs. Bandila 9.8%.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES