HONG KONG -- Mahigit dalawang oras ang stop-over ko sa HK papuntang Dubai, UAE. Kasama ako ng grupo ng Codename: Asero, ang bagong series ni Richard Gutierrez sa GMA 7.
Nauna sa akin ang flight nina Richard, Heart Evangelista (with her mom, Cecilia) at Janno Gibbs.
Sabay-sabay kaming nag-check-in sa NAIA at pumasok sa lounge ng Cathay Pacific, maliban kay Janno na late na naman.
Ang biruan sa lounge pagpasok ni Janno ay dinelay ng Cathay Pacific management ang flight nila for 30 minutes para mai-accommodate siya.
“Baka nang makita ang pangalan mo, bigla silang nag-decide na i-delay ang flight dahil siguradong male-late ka,” sey ko kay Janno.
“Malamang!” sabay tawa ni Janno, na never napikon kahit ginagawang biro ang madalas niyang pagkaka-late sa mga lakad.
Anyway, habang nasa lounge kami ay panay ang kumbinsi ni Janno kay Heart na iparinig ng dalaga sa kanya ang mga kanta nito dahil gusto niyang gawan ng album sa GMA Records ang bagong leading lady ni Richard.
“Singer talaga ito!” sey ni Janno kay Richard, sabay turo kay Heart.
Ang ending, parehong pinakinggan nina Richard at Janno ang mga kanta ni Heart na naka-save sa iPhone ng dalaga.
***
Noong Martes nang gabi ay lumagare pa ako sa presscon ng sinenobelang Magdusa Ka nina Katrina Halili at Dennis Trillo.
Bidang-bida ang dating ngayon ni Katrina. Halatang masayang-masaya siya sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng Siyete.
Si Dennis ay rugged ang dating na bagay lang daw sa role niya.
Si Iwa Motto na kontrabida ni Katrina ay ganda-gandahan sa kanyang hitsura at halatang pinaghandaan niya ang presscon ng Magduda Ka.
***
Last episode na mamayang gabi ng ESP ni Iza Calzado.
Mawala man ang nabanggit na show ay may Joaquin Bordado pa si Iza at bida rin siya sa first movie ni Gabby Concepcion sa GMA Films.
Matutuwa si Iza kapag nalaman niyang excited si Direk Joey na i-handle siya.
Sa shooting ng My Monster Mom ay naikuwento sa akin ni Direk Joey na noon pa niya gustong maidirek si Iza.
***
For feedback, email junlalin@gmail.com
|