May 08, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Polo-Jean, nagkakalabuan
Abu Tilamzik
 

ANG latest na nakararating sa amin ay break na raw sina Pops Fernandez at Jomari Yllana.
Nasa ibang bansa yata si Tito Douglas Quijano (manager ni Jomari) kaya hindi na namin siya kinulit.
Si Pops ay nagulat sa tanong namin kung pwe­de namin siyang makunan ng reaksyon tungkol dun.
Nag-text sa amin ang handler niya na hindi ‘yun totoo kaya huwag na raw patulan.
Ang isa pang nakarating sa aming nagkakalabuan na rin ay sina Jean Garcia at Polo Ravales.
Nakorner namin si Polo na abala sa pagba-boxing sa Mojo Gym kaya piniga namin siya sa intrigang iyun.
Hindi naman daw naging sila kaya paano nangyari ang break-up?
Hindi pa nga naman sila umamin na sila na kaya mahirap sagutin ang isyung break-up.
Sa kakukulit namin kay Polo, sinagot niya kami ng, “Steady lang. Okay lang.”
Hindi na namin siya inurirat kung gaano sila ka-steady at kung gaano ka-OK.
Sa Mayo 16 ay may show ang Boys.Com (kinabibilangan ni Polo) sa Metro Bar.
Abangan na lang daw kung darating si Jean para panoorin si Polo.
***
Nag-celebrate sina Richard Gomez at Lucy Torres ng kanilang 10th wedding anniversary kamakailan.
Kasama sa wish nila ay masundan na ang panganay nilang si Juliana.
Eight years old na si Juliana at nag-iiba na ang hilig niya, kaya hinahanap na nina Goma at Lucy ang pag-aalaga ng bata.
Regular daw ang check-up nila pero talagang hindi pa nakakabuo kaya kahit anong paraan ay okay lang daw sa kanila.
Kahit magpa-Invitro Fertilization ay okay sa mag-asawa para masundan si Juliana. 
Kung si Goma ang masusunod, mas gusto niya sana ng kambal para okay na okay na raw sila.
Pero sa ngayon ay mukhang hindi pa rin handa si Juliana na magkaroon ng kapatid dahil mas type pa rin niyang masolo ang atensyon ng kanyang magulang.
***
Tikom pa rin ang bibig ni Kuya German Moreno tungkol kay Billy Crawford.
“Pagdating na lang niya (Billy). Kasi, mahirap magsalita pa ngayon. Alam mo, sa mga Pinoy, hindi nawawala iyang utang na loob, eh,” pahayag ni Kuya Germs na parang gustung-gusto nang magsalita.
Hintayin na lang daw muna niya ang pagdating ni Billy saka na siya magsasalita dahil mukhang mag-uusap pa sila uli.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES