May 08, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
Nabad-trip sa soundtrip, nanaksak
(Aries Cano)
 

Inundayan ng saksak sa dibdib ang isang 23-anyos na binata matapos na mabad-trip ang isang sidecar boy na nakadisku­yon nito at ayaw umanong magpa-istorbo sa pakikinig ng kanyang paboritong kanta sa Maynila.
Nasa malubhang kalagayan sa Philippine Gene­al Hospital (PGH) matapos magtamo ng tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib ang biktimang si Kenji Noel R. Saldua, ng 2261 Onyx St., San Andres Bukid, Maynila.
Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na si Gilbert Puno y Arambulo alyas Ambet, 21-anyos, binatang pedicab driver ng 2225 Agua Marina St., San Andres Bukid, Maynila.
Nabatid na nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang ilang kaibigan ng magkaroon ng pagtatalo sina Saldua at Puno.
Batay sa isang saksi, nag-ugat umano ang pagtatalo hinggil sa musikang dapat pakinggan. Nagbitiw umano ng salita ang suspek ng “Huwag Ninyong Ili­lipat ‘yang sound, itutumba ko ka­yong lahat.”
Kasunod nito’y umalis ang biktima pero sinundan pa rin ng suspek hanggang sa naabutan ito sa may San Andres Bukid, Maynila.
Binira umano ng isang saksak ng suspek ang biktima at matapos tumalilis ang una hanggang sa nagpasya rin ito na sumuko sa mga opis­yal ng Barangay 786, Zone 86, District 5.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES