May 08, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
Bibig nasunog
(Aries Cano)
 

Dala marahil umano ng mga hindi nakayanang pagdarahop sa buhay minabuti ng isang 43-anyos na separada na kitlin ang sari­ling hininga sa pamamagitan ng paglaklak ng asido sa Maynila kahapon.
Wala ng buhay nang mabungaran ang biktima na nagtamo ng sunog sa bibig na si Julieta Ramos Cepeda, walang hanapbuhay at huling naninira­han sa 229 H. Lopez Boulevard, Tondo, Maynila.
Batay sa pagsisiyasat ni PO3 Geronimo D. Gatpolintan Jr., ng MPD-Station 1, alas-11:45 ng umaga kahapon ng madiskubre ang patay ng biktima sa loob ng silid nito.
Nakahiga umano ang biktima sa kama at nasa tabi ang isang wala ng laman ng bote ng muria­tic acid na hinihinalang tinungga nito.
Batay pa sa pag-iim­bestiga ng pulisya, nakasaad din umano sa isang mensahe sa celfone ng biktima ang mga katagang “Ayaw Ko Na Rin Mabuhay”.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng pulisya upang malinawan kung nagkaroon man ng foul play sa likod ng insidente.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES