May 08, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
Kinadyot ng icepick
(Irwin Corpuz)
 

Pinaghahanap ng pulisya ang isang lalakeng walang habas na nanaksak sa kanyang kapitbahay sa Antipolo City.
Ang biktimang hindi na naisalba pa ng mga manggagamot sa Antipolo City ay nakilalang si Renato Doria, 45, ng Block 6 Lot 10 Sitio Tumana, Bgy. Cupang, Antipolo City kung saan ang suspek na pinaghahanap ay nakilala namang si Jessie Talano, kapitbahay ng biktima.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na ang insi­dente ay naganap bandang alas-5:45 kamakalawa ng hapon nang ang biktima at suspek na dati nang may alitan ay magkasalubong sa kanilang lugar.
Sa hindi mabatid na dahilan ay bigla umanong nagbunot ng icepick at walang habas na pinagsa­saksak ang biktima ng suspek.
Halos natadtad ng saksak ang biktima na aga­rang isinugod sa pagamutan at ang suspek ay mabilisan namang tumalilis papalayo sa kanilang lugar.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES