May 08, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
Batang City Jail at Bahala na Gang sumalakay
(Aries Cano)
 

Arestado ang tatlong holdaper na sumalakay sa isang pampasaherong jeep matapos na muling mamataan habang nakatam­bay at tila nag-aabang na naman ng panibagong mabibiktima sa Maynila kahapon.
Nahahaharap sa kasong robbery hold-up ang mga suspek na nakilalang sina Raymond S. Salamante, 25-anyos, binata, mi­yembro ng Batang City Jail, taga-1925 San Isidro St., Singalong, Maynila; Joselito R. Santos, 41-an­yos, binata, miyembro ng Batang City Jail, residente ng 354 Capulong St., Tondo, Maynila; at Mark A. De Guzman, 30-an­yos, binata, miyembro naman ng Bahala na Gang at nakatira sa 1624 LRC compound, Sta. Cruz, Maynila.
Sa pagsisiyasat ni PO3 James Poso ng MPD-District Special Project Unit (DSPU), una umanong hinoldap ng mga suspek ang kinalululanang jeep ng tatlong babaeng pasahero kabilang ang isang Bernadette Nicolas, volunteer ins­tructor ng Philippine National Red Cross sa Padre Burgos St., malapit sa kanto ng Roxas Boulevard, Ermita, Maynila.
Pagkatangay sa pakay ay umeskapo ang mga suspek subalit hindi nasiraan ng loob si Nicolas at agad na humingi ng tulong sa mga awtoridad kung saan sa follow-up operations nina SPO1 Rosito Caneja, PO3 James Poso at PO2 Ferdinand Patungan ay nabitas ang mga suspek.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES