May 08, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
2 tinedyer nagnakaw ng pang-birthday
(Irwin Corpuz)
 

Kulungan ang kinasadlakan ng dalawang kalala­kihang tinedyer na nanloob sa puwesto ng cellphone stall ng isang magkakamag-anak sa San Juan City.
Ang mga suspek na naaresto ng pinagsa­nib na puwersa ng mga tanod ng Barangay West Crame at San Juan City Police ay itinago sa mga pangalang Ian, 18, at Arjay, 17, kapwa taga-Road 7 1st West Crame, San Juan City.
Kinilala ang magkakaanak na nilooban na sina Ednemay Tabuada, 23; Liezel Aguila, 28; Aileen Atordido, John Atordido at Arlene Villanueva, mga residente ng 19D Road 11 1st St., West Crame, San Juan City.
Mahigit sa sampung cellphone, 2 bag, cash na mahigit sa P30,000 at iba pang mahahalagang bagay ang tinangay ng mga suspek.
Ayon naman sa pulis­ya, naging matapang pa umano ang magulang ng mga suspek at iginiit na hindi adik ang kanilang anak at huwag daw kaming basta mag-aakusa.
Samantala, umamin ang isa sa mga suspek na kamakalawa, May 6 ay birthday nito kung saan, ang perang kanilang natangay ay hindi na nabawi pa na pinaniniwalaang nagastos sa naturang selebras­yon.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES