May 08, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
PUGOT-ULO, INIREGALO
Romeo Braceros Jr
 

Naging malagim ang kamatayan ng isang magsasaka matapos itong pugutan ng ulo sa mismong araw ng kaarawan nito sa Barangay Salaysay, Marilog, Davao City kamakailan.
Kinilala ng Marilog Police ang biktima na si Samuel Arañas na pinugutan ng matalik nitong kaibigan na hindi muna tinukoy ang pangalan upang alamin kung may katotoha­nan ang alegasyong nasisiraan ito ng ulo.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na inutusan ng biktima ang suspek na kumuha ng niyog dahil kanya itong gagamitin sa kanyang kaarawan.
Nagalit umano ang suspek sa utos ng biktima kaya agad itong kumuha ng itak at walang sabi-sabing pinugot ang leeg ng nabig­laanang birthday ce­lebrant.
Matapos ang pamumugot ay kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang sala­rin upang panagutan ang ginawang krimen.
Sa presinto, mariing ipi­nagtanggol ng suspek ang ginawa nitong pagpugot sa kaibigan kasabay ng pagsasabing nagalit siya rito dahil kinuha umano nito ang tanim niyang mga niyog.
Dahil sa insidente, ipinasuri ng awtoridad ang kalagayan ng suspek para malaman kung nasa wasto itong pag-iisip nang isagawa ang pagpugot.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES