MINDANAO SENTRO NG VOTE SHAVING

TU sumabog sa kaso ni Binay

Intriga ang laro ni Pacquiao -- Darlene

Lakas at Kampi nagsalpukan

PCSO ipapa-audit

TU bagsak sa sariling survey


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

TU bagsak sa sariling survey

(Bernard Taguinod)


Laglag ang mga kandidato ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa sariling survey na isinagawa sa huling linggo ng nakaraang buwan dahil apat lamang sa kanilang kandidato ang posibleng manalo habang anim naman sa hanay ng Genuine Opposition (GO).

Ito ang impormasyong nakalap ng TONITE ukol sa survey na kinomisyon mismo ng Malacañang na planong isampal sana sa Pulse Asia at Social Weather Station (SWS).

Ayon sa impormante, 4,800 tao sa iba’t ibang panig ng bansa ang tinanong ng Malacañang kung sino ang kanilang iboboto sa darating na eleksyon subalit nadismaya umano ang mga ito sa resulta.

Nabatid na tulad ng survey ng SWS at Pulse Asia, nangunguna pa rin si Loren Legarda sa botong 61% na sinundan nina Manuel Villar na may 53% at Francis "Chiz" Escudero na nakakuha ng 48%.

Pumasok sa ikaapat na puwesto si Panfilo Lacson (47%), ikalima si Ralph Recto (41%), habang sumunod naman sina Francis "Kiko" Pangilinan (41%) at Alan Peter Cayetano (40%).

Nasa ikawalo hanggang ika-12 puwesto naman sina Benigno "Noynoy" Aquino III, Edgardo Angara, Joker Arroyo, Gregorio Honasan at Vicente Sotto III na pawang nakakuha ng 35%.

Bumubuntot sa top 12 sina Juan Miguel Zubiri (32%), Aquilino "Koko" Pimentel III at Sonia Roco na kapwa may 31%; at nasa ika-15 puwesto si Mike Defensor na mayroong 26%.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top