MINDANAO SENTRO NG VOTE SHAVING

TU sumabog sa kaso ni Binay

Intriga ang laro ni Pacquiao -- Darlene

Lakas at Kampi nagsalpukan

PCSO ipapa-audit

TU bagsak sa sariling survey


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

PCSO ipapa-audit

(Rey Marfil)


Sa harap ng panibagong espekulasyong ginalaw umano ng Malacañang ang pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang campaign fund ng Team Unity (TU) senatorial bets, hiningi ni opposition reelectionist Sen. Panfilo "Ping" Lacson na isailalim sa imbentaryo ang tanggapan ni Chairman Sergio Valencia.

Ayon kay Lacson, isa sa nangungunang kandidato ng Genuine Opposition (GO), kailangang i-audit ang lahat ng pondong pinakawalan o inilabas ng PCSO ngayong eleksyon lalo pa’t muling nabuhay ang isyung na-divert ang charity fund sa kampanya ng mga kandidato ng administrasyon.

Bagama’t pabor si Lacson na buksan ang imbestigasyon, hindi itinago ng senador ang pangambang mahihirapan ang Senado na ipa-audit ang charity fund ng PCSO lalo pa’t nakatago ang mga pangalan ng mga taong nakinabang sa advertising budget.

Sa ilalim ng PCSO charter, nakalaan lamang ang pondo ng ahensya sa pagbibigay ng financial assistance sa mga mahihirap, katulad ang mga walang pambayad sa ospital, libreng edukasyon, gamot, pagpailaw sa mga kalsada at konstruksyon ng mga eskuwelahan.

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top