MINDANAO SENTRO NG VOTE SHAVING

TU sumabog sa kaso ni Binay

Intriga ang laro ni Pacquiao -- Darlene

Lakas at Kampi nagsalpukan

PCSO ipapa-audit

TU bagsak sa sariling survey


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Lakas at Kampi nagsalpukan

(Rey Marfil)


Anim na araw bago ang eleksyon, nagkatotoo ang naunang prediksyon ni opposition reelectionist Sen. Panfilo "Ping" Lacson tungkol sa relasyon ng dalawang administration party matapos magsalpukan sa Davao ang partidong Lakas-CMD at Kabalikat ng Malayang Pilipino (KAMPI).

Sa pagkakataong ito, tuluyang lumutang ang kawalang isang salita ni Davao del Norte gubernatorial candidate Rodolfo Del Rosario, dating presidential adviser on Mindanao affairs, matapos magsalpukan ang kanilang puwersa ng kanyang pamangkin na si Davao Cong. Antonio "Tony boy" Floirendo.

Ang rason, mas kinampihan ni Del Rosario ang mga miyembro ng KAMPI ni Mrs. Arroyo at binitbit ang lahat ng kandidato sa local level sa harap ng pagiging lehitimong miyembro ng partidong Lakas-CMD ng gobernador.

Bago nagkabanggaan ang magtiyuhin, yumuko sa kasunduan si Floirendo na ipaubaya sa kanyang pinsan o anak ni Del Rosario ang gubernatorial race sa Davao province, partikular kay incumbent Vice Governor Anthony del Rosario subalit nagbago ang isip ng huli nang makitang mahihirapan ang anak nito.

"Like Anthony before me, I choose my family. My or my fathers political ambitions pale in comparison to the importance of keeping our clan intact," reklamo ni Floirendo, isang 3-termer congressman.

Unang nagkaroon ng komprontasyon ang magtiyuhin bunga ng lantarang pamamangka sa dalawang ilog ni Del Rosario kaya’t hinamon ito ni Floirendo na ilabas sa publiko ang tunay na kulay at kung kaninong partido ang sinusuportahan nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top