|
MINDANAO SENTRO NG VOTE SHAVING TU sumabog sa kaso ni Binay Intriga ang laro ni Pacquiao -- Darlene
|
TOP
STORIES
Intriga ang lato no Pacquiao--Darlene (Bernard Taguinod/Boyet Jadulco) Kung lakas ng katawan at bilis ng suntok ang puhunan ni people’s champ Manny Pacquiao sa international boxing match, intriga naman ang puhunan nito sa pagpasok sa mundo ng pulitika. Ganito inilarawan ni Cong. Darlene Antonino-Custodio ang kanilang first round match ni Pacquiao sa unang distrito ng South Cotabato dahil idinadaan aniya ng boksingero ang laban sa tsismis o intriga. "I did not expect him na gagawin niya ‘yun (intriga) na wala naman siyang basehan. Atake siya ng atake without any proof," pahayag ng lady solon. Ayon sa lady solon, ang inaasahan niyang laban kontra sa kanyang kinakapatid na boksingero ay labanan ng plataporma at issue of government su- balit iba aniya ang ibinigay ni Pacquiao. Ginawa ng lady solon ang naturang pahayag dahil sa bintang ni Pacquiao na siya ang nagpakalat ng text message na inambus umano ito. Samantala, hinamon kahapon ni senatorial candidate Loren Legarda si Pacquiao na patunayan sa publiko kung may kakayahan ba itong maglingkod sa mamamayan ng South Cotabato kung kaya’t hinangad nitong tumakbo sa congressional elections. Ayon kay Legarda, dapat isipin ni Pacquiao na ang larangan ng pulitika ay hindi nadadaan sa pasikatan lamang kundi kung anong klase ng serbisyo ang maibibigay nito sa mamamayang nangangailangan ng tulong ng mambabatas.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|