MINDANAO SENTRO NG VOTE SHAVING

TU sumabog sa kaso ni Binay

Intriga ang laro ni Pacquiao -- Darlene

Lakas at Kampi nagsalpukan

PCSO ipapa-audit

TU bagsak sa sariling survey


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

TU sumabog sa kaso ni Binay

(Bernard Taguinod/Rey Marfil)


Tuluyang sumabog sa mukha ng mga kandidato ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Team Unity (TU) ang naunsyaming suspension laban kay Makati City Mayor Jejomar Binay matapos madagdagan ang bilang ng mga kasamahang nagreklamo.

Maliban kina Sen. Joker Arroyo at presidential chief of staff Mike Defensor, pinagsabihan ni Sen. Ralph Recto si Mrs. Arroyo at si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno na huwag nang dugtungan ang "Makati drama" kung nais nitong manalo ang mga kandidato ng administrasyon.

Katulad ng prediksyon ni Sen. Joker, inilutang ni Recto ang senaryong kakainin ng buhay ng Genuine Opposition (GO) ang mga kandidato ng Team Unity kapag naulit ang Makati drama.

"Any repeat of the Binay imbroglio in the crucial homestretch of the campaign would hurt Team Unity," ani Recto matapos irasong nalalapit na ang May 14 election at malinaw pa sa kaisipan ng publiko ang pangba-braso kay Binay.

"What happened in Makati should not be allowed to take place in any other town between now and May 14. If a similar incident would happen, Team Unity would be blamed even if it is entirely clueless about the case," ani Recto.

Sa panig ni Mayor Binay, kinondena nito ang aniya’y "flip-flop" na desisyon ng DILG sa suspension order laban sa kanya dahil kahit binawi ito ay iniwan namang walang alkalde ang Makati.

Sinabi ni Binay na ang desisyon ng DILG na ipagpaliban ang oath-taking ni Vice Mayor Ernesto Mercado bilang acting mayor at ang pagmamatigas nitong suspendido siya ay nag-iwan ng vacuum sa Makati. "The DILG’s apparent flip-flop has endangered the state of public services here in Makati. Without a local chief executive, official transactions involving the Office of the Mayor will not move," ani Binay.

"Our situation is similar to the garnishment of our bank accounts. Without access to funds, we cannot provide basic services. Now, without a local chief executive, basic services and city government operations are affected," ani Binay.

Samantala, iginiit ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairman Efraim Genuino na walang kinalaman ang kanyang ahensya maging siya at ang kanyang pamilya sa pagkakasuspendi ni Binay.

"Ipinalabas ng Office of the Ombudsman ang suspension order batay sa reklamong inihain ni Councilor Oscar Ibay. Ito’y bunsod ng napabalitang anomalya sa Makati City Hall na teritoryo ni Binay. Anong koneksyon namin doon?" ani Genuino.

"Maliban dito, kung walang ginawang mali si Binay, bakit hindi niya ipakita ang mga rekord ng pamahalaang panlungsod," ani Genuino bilang sagot sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa isyu.

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top