Top Stories

Crime Stories


 

HULAAN BLUES

Dating pulitiko taghirap na, ari-arian ibinebenta  

 (Bernard Taguinod)


Unti-unti nang naghihirap ang isang dating pulitiko na tila nawawala na sa sarili dahil nagsisimula na itong magbenta ng kanyang ari-arian dahil natutuyo na ang balon ng kanyang pera.

Ito ang report na nasagap ng DPA ng TONITE ukol sa unti-unting paghihirap na nararanasan ngayon ng dating pulitiko matapos itong magpakapilantropo sa kagustuhang magpasikat sa mga Filipino na kanyang binalikan makaraang ang ilang taong paninirahan sa ibang bansa.

Ayon sa DPA ng TONITE, naghahanap na ng buyer ang pulitikong ito para bumili ng kanyang napakalaking bahay na nasa isang kilala at first class subdivision sa isang maunlad na siyudad sa Metro Manila.

Ang naturang bahay ng kongresista, este dating pulitiko, ay nabili nito sa isang mayamang dayuhan na nagkaroon ng isang kasintahan na Pinay nang umuwi ang mokong sa Pilipinas.

Upang makuha ang damdamin ng mga Filipino, nagpakapilantropo ang kumag at namudmod ng pera at mga pagkain, hindi lamang sa panahon ng kalamidad kundi maging kung fiesta.

Marami rin itong naging kaibigan sa mundo ng pulitika at lahat ay pinangakuan ng tulong subalit nang hindi matupad ang kanyang mga pangako ay nagsipaglayuan na ang mga ito sa kanya.

Huling pinuntiryang tulungan ng dating pulitikong ito ang mahihirap nang magpakain ito ng isang barangay subalit na kung anong drama ay hindi malinaw sa lahat dahil hindi naman nito itinuloy ang planong pagtakbo sa isang lokal na posisyon.

Saka lamang napagtanto ng maraming taong nakakakilala sa mokong na kaya hindi nito itinuloy ang kanyang pagtakbo ay dahil wala na pala itong pera at ang kanyang ginastos ay hindi umubra para makuha ang suporta ng taumbayan.

Bagama’t isang simpleng miron na lamang ang kumag ngayong halalan, kailangan pa rin nito ang pera kaya naiisipan na umano nitong ibenta na lamang ang kanyang napakalaking bahay.

Clue: Si dating pulitiko na mayroon na umanong "tama" ay kilala sa pagiging pilantropo. Mayroon itong inisyal na M as in Mayaman noon pero naghihirap na raw ngayon kaya nagbebenta na ng bahay.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top