5 BATA PINAGBABARIL, 1 DEDBOL

Misis binaril ni mister bago nagpakamatay

Re-investigation sa drug case ni Niño Muhlach, binasura


Hulaan Blues

Top Stories


 

CRIME STORIES

Re-investigation sa drug case ni Niño Muhlach, binasura

(Lily Reyes)


Ibinasura kahapon ng korte ang motion for re-investigation na isinampa ng kampo ni Niño Muhlach kaugnay ng drug case na kinasasangkutan ng dating child star.

Si Muhlach (Angelo Jose R. Muhlach sa tunay na buhay) ay sinampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 matapos itong madakip ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office noong Marso 13, 2007 sa isang mall sa Quezon City.

Ibinasura ni Judge Rafael Lagos ng QC Regional Trial Court Branch 79 ang motion for re-investigation na isinampa ng abogado ni Muhlach dahil lumampas na umano ito sa prescribed time o takdang panahon ng pagsasampa ng naturang mosyon.

Batay umano sa Rules of Court, ang motion for re-investigation ay kailangang maisampa limang araw pagkatapos na malaman na kinasuhan ito. Sa kaso ni Muhlach, nagsampa ng naturang mosyon ang abogado nito isang buwan na ang nakakalipas matapos madakip ang dating child star.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top