5 BATA PINAGBABARIL, 1 DEDBOL

Misis binaril ni mister bago nagpakamatay

Re-investigation sa drug case ni Niño Muhlach, binasura


Hulaan Blues

Top Stories


 

CRIME STORIES

Misis binaril ni mister bago nagpakamatay

(Lily Reyes)


Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang trahedyang naganap sa isang mag-asawa kung saan malubhang nasugatan ang isang ginang matapos barilin sa kanang sintido ng kanyang mister at kasunod nito, binaril naman ng lalaki ang sarili na ikinamatay nito kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Dead on arrival sa MCU Hospital sa Caloocan City si Sonny Manalastas, 24, samantalang agaw-buhay naman ang asawa nitong si Aileen, 25, negosyante.

Blangko pa ang mga homicide investigator ng QC Police District sa naturang kaso maliban sa ibinigay na salaysay ng tumatayong testigo na nakilalang si Rene Torres, fruit vendor sa Riverview Market na nasa Bgy.
Unang Sigaw, Balintawak, QC kung saan may fruit stand din ang mag-asawang Manalastas.

Ayon kay Torres, bandang alas-2:30 ng madaling-araw kahapon nang makarinig siya ng putok ng baril mula sa loob ng tindahan ng mag-asawa.

Nang tingnan umano niya, nakita niyang duguang nakahandusay ang babae samantalang may hawak naman na baril ang lalaki.

Makalipas ang ilang sandali, muli umanong umalingawngaw ang putok ng baril at nang kanilang tingnan ay nakahandusay na rin si Sonny.

Hindi pa malinawan ang insidente subalit ipinapalagay ng mga awtoridad na binaril ng lalaki ang kanyang misis sa kanang sintido at dahil sa takot ay nagbaril ito sa kanyang sarili. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top