5 BATA PINAGBABARIL, 1 DEDBOL

Misis binaril ni mister bago nagpakamatay

Re-investigation sa drug case ni Niño Muhlach, binasura


Hulaan Blues

Top Stories


 

CRIME STORIES

5 BATA PINAGBABARIL, 1 DEDBOL

(Vladi Eduarte)


Malaki ang hinala ng pulisya ng Taguig na posibleng tauhan ng gobyerno ang bumaril sa limang bata na naglalakad sa C-5 Road, Western Bicutan kamakalawa ng gabi.

Namatay sa naturang insidente si Jurjae Armaneo, 11, estudyante, ng Block 11, Lot 31, Enlisted Personnel Housing, Phase 2, Eastern Bicutan. Sugatan din ang kanyang kaibigan at kapitbahay na si James Ulysses Morata, 15, na tinamaan ng bala sa kanang braso.

Ayon kay Chief Insp. Celso Rodriguez, base sa kuwento ng mga bata ay isang lalaking angkas ng motor na malaki na tulad ng ginagamit ng mga hagad (highway patrol o traffic police) ang namaril sa kanila.

Naglalakad sa C-5 Road bandang alas-9:00 kamakalawa ng gabi nang sumulpot ang lalaking naka-motor, naka-helmet ng puti at puti ring jacket at tinatawag sila.

Sa halip umanong lumapit ang mga bata, nagtatakbo ang mga ito. Dito na sila pinaputukan nang pinaputukan ng lalaking tinakbuhan nila.

Ang akala ng apat na bata ay si Morata lang ang nahagip ng bala dahil nagdurugo ang kanang braso nito kaya agad nilang isinugod sa Ospital ng Makati sa Pembo.

Dahil madilim sa lugar, nang hindi makita si Armaneo ay inakala ng kanyang mga kasama na nakatakbo na ito at nakauwi kaya hindi agad hinanap.

Alas-11:00 ng gabi, nalaman ng mga kasama ng dalawang biktima na hinahanap na ng magulang si Armaneo dahil hindi pa umano umuuwi kaya tumulong sa paghahanap ang mga kaibigan.

Alas-tres ng madaling-araw, natagpuan si Armaneo sa madamong bahagi ng lugar kung saan sila pinagbabaril, wala ng buhay at may tama umano ng bala sa ulo.

Ayon pa kay Major Rodriguez, base sa paglalarawan ng mga biktima at sa motor na gamit ay posible ngang traffic personnel, isang pulis o kaya ay miyembro ng militar ang bumaril sa mga bata pero wala pa silang matukoy na suspek.

Hindi rin naplakahan ng mga bata ang motor ng suspek. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top