Lovescope

Krosword

Jokes Lang Po

Txtm8, Txtropa

Trivia

Wordhunt


 

LEISURE

`Greatest Asian fighter in boxing history’


Ang prestihiyosong Davis Cup ng larong tennis ay isinunod sa pangalan ng dating American governor general sa Pilipinas sa katauhan ni Dwight Davis na nanungkulan mula 1929 hanggang 1932. Mahilig maglaro ng tennis si Davis at noong nasa Pilipinas pa siya ay madalas makipaglaro sa iba pang Kano sa bansa. Bago naging governor general sa Pilipinas, nanungkulan muna si Davis bilang US Secretary of War mula 1925 hanggang 1929.

***

Kilala rin sa kanyang pen name na Huseng Batute, si Jose Corazon de Jesus ay isang mahusay na makata sa Tagalog. Idinaan niya sa pagsusulat ng mga tula ang pagnanais na makalaya ang Pilipinas sa pamumuno ng mga Amerikano. Siya ang may-akda ng tulang "Bayan Ko" na isinalin sa awitin ng musikerong si Constancio de Guzman. Naging bantog na awitin ang "Bayan Ko" ng mga aktibista na nakibaka laban sa martial law noong 1980s.

Bukod kay Constancio de Guzman, nagkaroon pa ng ibang bersyon ang "Bayan Ko", pangunahin na rito ang ginawa ng National Artist for Music na si Lucio San Pedro at Freddie Aguilar.

***

Ang ama ni Jose Corazon de Jesus ay si Vicente de Jesus, ang unang health bureau director ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas. Ang kanyang anak ay si Jose Corazon de Jesus Jr. na naging aktor noong uso pa ang silent film o pelikulang wala pang diyalog.

***

Sa pangalang Pancho Villar nakilala ang mahusay na Filipino flyweight boxer na si Francisco Guilledo ng Negros Occidental. Siya ay mayroon lamang limang talampakan ang taas at tumitimbang ng 114 pounds ngunit tinanghal na World Flyweight boxing champion noong 1923. Itinuring siya ng ibang manunuri sa larangan ng boksing bilang "the greatest Asian fighter in boxing history".

Si Pancho Villar o Francisco Guilledo ay isinama sa talaan ng International Boxing Hall of Fame noong 1994. Pumapangalawa lamang siya kay Gabriel "Flash" Elorde na binigyan ng naturang parangal. Nauna pang tinanghal sa hall of fame ng boksing si Elorde bagama’t isinilang ito pitong taon makaraang pumanaw si Guilledo.

Makalipas ang 33 taon, tinanghal din si Guilledo ng Ring Magazine noong Oktubre 1961 sa listahan ng Boxing Hall of Fame ng naturang magazine.

***

Casa de Binondo ang pangalan ng unang pabrika o pagawaan ng sigarilyo sa Pilipinas. Ang pabrika nito ay itinayo sa isang dating kumbento ng Dominican order sa Maynila.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top