|
|
ENTERTAINMENT
Anak ni Gringo, pinakamamahal ni Barbie Anak
ni Sen. Gringo Honasan ang boyfriend ng acoustic artist na si Barbie
Almalbis. Ipinakilala ni Barbie ang kasintahang si Martin Honasan (ikalawa sa mga anak ni Sen. Gringo) sa press people na dumating sa presscon para sa first major solo concert niya sa Mayo 19 sa Araneta Coliseum na pinamagatang Barbie Almalbis Rocks the Big Dome. Dumating sa presscon ang boyfriend ni Barbie para magbigay ng suporta. Base sa deskripsyon ni Barbie, halos iisa ang kanilang hilig sa art at pareho silang born-again Christian. Last December naging opisyal ang kanilang relasyon. Tatlong taon na silang magkaibigan nito. Kuwento pa ni Barbie, noong una ay nagkakahiyaan sila ni Martin kahit magkaibigan sila nito. Pero ramdam nila na gusto nila ang isa’t isa, nauunahan lang sila ng hiya. Dumating ang pagkakataong nagkatipon-tipon silang magkakaibigan sa isang restaurant at unti-unting nagsisialisan ang mga ito. Silang dalawa ni Martin ang natira at dito sila nagkakilala nang husto. Sey ni Barbie, pareho sila ni Martin na pini-pray na magkakilala pa sila nang lubusan, na nangyari naman. Pinag-uusapan na nila ang pagpapakasal pero wala pang definite plan kung kailan ito. Napangiti si Barbie nang maalala ang tsikang ikinasal na siya. Sey niya, ang isa pang anak na lalake ni Sen. Honasan ang ikinasal sa Boracay at napagkamalang sila ito ni Martin. "Very loving" at "very warm" ang description ni Barbie kay Sen. Honasan nang matanong siya kung nakilala na niya ito. Syanga pala, rock ang concept ng concert na ito ni Barbie kung panauhin ang kaibigan niyang si Kitchie Nadal, ang Rocksteddy at si Ney Dimaculngan ng 6Cyclemind. *** Three years old pa lang si Denver Regencia (20 y/o na, isa sa pitong grand contenders ng Pinoy Pop Superstar Year 2) nang simulan siyang turuan ng kanyang nanay at lola ng pag-awit. Kahit tubong-Davao City si Denver, wala kang maririnig na punto sa kanya kapag siya’y kumanta. Bumilib kami sa pagkakaawit niya ng How Can You Mend a Broken Heart dahil sa linis nang kanyang rendition. Pwedeng sumunod sa yapak si Denver kay JayR sa husay niya sa R&B. Nagulat si Denver sa tanong ng isang press kung totoo bang merong ‘bading’ sa male contenders ng PPS. Naghihiraman daw ng make-up ang mga ito? "Ako po, masasabi ko talaga na I’m a real man. Wala po akong naoobserbahan sa mga kasama ko. "Iyung make-up po, minsan kasi, pag sa labas ‘yung performances namin, naghihiraman kami ng make-up. Pero madalas naman pong may make-up artist na dala ‘yung production para sa lahat. "Ngayon lang po ako nakaranas na maglagay ng powder sa mukha. Kailangan daw kasi to look good," paliwanag ni Denver. May nararamdaman ba siyang kakaibang yakap kina Harry Santos, Gerald Santos at Irra Cenina? "Iyung yakapan po namin, brotherly hug lang po. Iyung kakaibang yakap, wala po. Wala pong landian," ani Denver. *** Pag nanalo ang La Sallistang si Irra Cenina sa Pinoy Pop Superstar Year 2, hindi na nila puproblemahin ng kanyang kapatid ang tuition fee. Nagkaroon ng financial problem ang pamilya ni Irra nang hindi ibinigay ang bonus ng tatay niya sa pinagtatrabahuhan nitong kompanya. Nang manalo si Irra ng P20,000 sa unang araw ng pagsali niya sa PPS, agad nila itong ibinayad sa school na pinapasukan ng kapatid niya. Naengganyo siyang sumali
sa PPS para makatulong sa kanyang pamilya. *** Na-interview namin si Paco Arespacochaga (drummer ng dating bandang Introvoyz at dating boyfriend ni Geneva Cruz) kamakailan sa GMA 7 compound. Akala namin, nagbabalik na sa showbiz si Paco. ‘Yun pala, sumama lang siya sa Shamrock Band sa manager nitong si Tracy na dating manager ng Introvoyz. Ang Shamrock ang kakanta ng theme song ng Captain Barbell na pinamagatang Nandito Lang Ako. Ibinalita ni Paco na ilan sa mga dating kasama niya sa Introvoys ay nag-reconcile at bumuo sila ng bagong banda. May meeting si Paco sa isang record company para sa album na nai-record ng banda nila sa Amerika. May offer ang naturang record label na i-release dito sa Pilipinas ang album. Happy si Paco sa buhay niya sa Amerika. Maliban sa kanyang regular job, may shows din sila sa iba’t ibang panig ng Amerika. Kasama ni Paco sa GMA 7
ang anak nila ni Geneva na si Heaven. Kahit umiiwas si Heaven sa
kamera, pinagbigyan niya ang daddy niya na makatabi habang ini-interview
namin ito para sa S Files na
lalabas bukas sa GMA 7. Bukod sa savings ng Mommy Geneva nito, meron na ring dollar savings si Paco para sa anak. Sabi ni Paco, napaka-smart and intelligent ni Heaven. Nang sabihin naming gusto namin itong ma-interview, humingi agad ito ng talent fee.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|