|
|
ENTERTAINMENT
'Kubrador' palaban sa Moscow film fest Finally, meron nang official invitation ang pelikulang Kubrador ni Jeffrey Jeturian mula sa isang foreign film festival. Dumating na ang official invitation para sa pelikula (na title role si Gina Pareño) mula sa Moscow International Film Festival. Nakapasok sa competition section ang Kubrador. Ang 28th edition ng Moscow filmfest ay gaganapin mula June 23 to July 2 at ayon sa invitation, sina Jeffrey Jeturian at Gina Pareño are invited to attend, all expenses paid. Si Atty. Joji Alonso ang prodyuser ng pelikula na nagtatampok din ng maraming stage actors, katulad nina Soliman Cruz, Nanding Josef, Miguel Castro at Neil Ryan Sese. Pumayag din si Director Johnny Manahan to play a cameo role. Noong Marso pa natapos ang pelikula. Pero ayon kay Atty. Joji, it will be a better marketing sa ngayon kung ipalabas muna ang pelikula sa ibang film festivals ng mundo, bago ito ipalabas dito sa regular run. Kung tutuusin, isa sa mga pinakamalaking filmfest sa Europe ang Moscow filmfest. Kung ang Cannes is the most prestigious at ang Venice ang oldest, ang Moscow is the second oldest film festival of the world. *** Mula sa aming kaibigang Alwin Ignacio ng Gantimpala Theater Foundation, nakatanggap kami ng pasasalamat at updates. Ayon kay Alwin: "Naalaala ninyo ang artists namin na isinulat ninyo sa kolum ninyo? Aba, nag-crossover na sila mula teatro hanggang telebisyon, kaya a big thank you…" Sa GMA 7, si Joel Molina ay mapapanood sa afternoon soap na Agawin Mo Man Ang Lahat. Kaibigan siya ng bida, si Oyo Boy Sotto. Sa QTV naman si Michael King Urieta ay nasa ensemble cast ng Ha! Ha! Ha! Over. Si Valerie Roxas ay nasa Top 3 ng May Trabajo Ka search for a TV jock sa QTV 11. *** Naalaala ninyo ang balita tungkol sa isang Viva Hotbabe na kasama ng isang kaibigang sex star din ay nagreklamo tungkol sa pambabastos sa kanila sa Baclaran nang magsimba sila roon? At iyong insidente rin sa Embassy Bar sa The Fort na na-involve din ang sexy star at Viva Hotbabe? Tuloy ang kaso rito. Si Zarra Lopez (real
name: Rachel Buenaventura) ang Viva Hotbabe na nasangkot dito, at ang
kaibigan niyang si Isabella Gomez (star ng Sex Scandal) ang
kasama in both incidents. Ang kabilang panig ang naunang nagkaso sa kanila sa Embassy Bar incident. "Hindi sila dumating sa unang hearing namin kaya kung wala pa sila sa second, ida-drop na lang daw ito ng fiscal," sabi ni Zarra. Visible ngayon si Zarra dahil nagpu-promote siya ng Striptease video nila nina Gwen Garci at Myles Hernandez. *** Nang nagkaroon ng eviction sa Pinoy Big Brother Teen Edition last time, naalaala namin ang kaibigang Wndell. Papasok pa lang noon ang 12 teen housemates, may feeling si Wendell na ang taga-Bukidnon ang unang mai-evict. May dahilan si Wendell: "Walang signal daw ang cellphones sa karamihang bahagi ng Bukidnon. Talo na siya sa text votes." At na-evict nga si Mikki Arceo ng Davao Medical School pero tubong-Bukidnon. Natalo siya sa text votes nina Niño ng Makati at Olyn ng Quezon City. *** Dumayo kayo bukas nang late afternoon sa Baywalk, dahil dito magsimula ang pinakamalaking Santacruzan sa Manila, sponsored by Congregacion de Sto. Niño nina Ben Ferrales. Thirty two designers dress up 32 sagalas with escorts. Sa Puerta Real sa Intramuros magwawakas ito at may show pa sina Leo Martinez, Champagne Morales, Tribong Pinoy at Pinoy Pop Superstar finalists.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|