|
|
ENTERTAINMENT
Lakas ni Angel, susubukan sa internet Ayaw nang patulan ni Andrew Wolff ang mga huling pahayag ni Gwen Garci nang magpa-interview ito sa presscon ng bagong video nitong Striptease. Dahil lang pala sa tickets ng laban ni Dennis Rodman sa Araneta Coliseum ang naging sanhi ng kanilang away nu’ng nakaraang linggo na umabot sa bugbugan. May mga ipinakita si Gwen na mga pasa sa braso na kagagawan daw ni Andrew. Ang matindi pa, dinuraan pa raw siya ni Andrew sa mukha pero sa kabila ng lahat, inamin pa rin ng sexy star na mahal pa rin niya ang dating boyfriend. Hindi lang daw maiwasang magkita sila at minsan magkasama sila sa mga lakad dahil magkalapit sila ng condo unit sa Quezon City. Deretsahang sinabi ni Gwen na pinagsisihan niya na nakarelasyon niya si Andrew at mukhang malabo na siyang makipagbalikan pa rito. Pagkatapos ng interbyung iyun para sa Startalk, may mga ilang pang ikinuwento sa amin si Gwen tungkol sa tunay na pagkatao ni Andrew. Parang nagdududa kami kung totoo o hindi iyon dahil dati na naming naririnig ang isyung kumukuwestyon sa kasarian ng binata. Ayaw lang ideretsa ni Gwen pero sa tono ng mga sagot niya ay may bahid ito ng katotohanan dahil may pinag-usapan daw sila ni Andrew noon tungkol sa tunay nitong nararamdaman, kaya nagpapatulong daw ito sa kanya. Naintindihan namin si Andrew kung bakit ayaw na niyang sagutin ang mga sinabi ni Gwen. Kahit ano pa raw ang sabihin niya, tiyak na siya pa rin ang talo dahil babae ang kalaban niya. Mas mabuting huwag na raw siyang mag-comment dahil alam ni Gwen kung saan siya titirahin na ang career niya ang apektado. Tahimik na lang si Andrew sa isyu at magkanya-kanya na lang daw sila ng buhay ni Gwen. *** Masusubukan sa internet
ang lakas at talino ni Angel Locsin. Si Angel ang bagong endorser ng online gaming na PristonTale Phils. (PTP). "Nagkaroon kami ng survey with gamers kung sino ang gusto nilang maging image ng larong ito," kuwento ni Ramil dela Cruz, chief marketing officer ng Netplay na nagdala ng PristonTale sa bansa. "Isang pangalan lang ang ibinigay sa amin… Angel Locsin." Madaling laruin ang
PrisonTale kaya tinanggap ito ni Angel. Aniya, "Maganda
ang characters dito, nakaaaliw. Parang Darna na Encantadia.
Saka nakita ko ‘yung online
community, maganda at magugustuhan talaga ng mga tao." Hindi pangkaraniwan ang PristonTale, kahit sabihing online gaming din ito na ang pangunahing misyon ay ang maubos ang mga kalaban. Kaiba ito sa ibang laro na napakarahas at may dugong lumalabas. Mga halimaw ang kalaban sa PrisonTale, hindi tao, kaya mas bagay raw ito sa mga bata. Para sa mga kumpletong detalye, pumunta sa www.netplay.ph. *** Bakit kaya parang humihina ang Pinoy Big Brother Teen Edition na ilang araw nang tinatalo ng Extra Challenge? Nang umalis si Mikki sa Bahay ni Kuya, bumaba ang rating ng programa. Inaasahang mataas ang rating ng first part ng Maalaala Mo Kaya episode na tinampukan ni Mayor Vilma Santos pero hindi nito gaanong tinambakan ang katapat na Magpakailanman. Narito ang overnight ratings nu’ng MIYERKULES: Sweet 18 11.4% vs. Dos Amores 6.6%; SiS 12.5% vs. Homeboy 8.9%; House Husband 17.6% vs. Only You 9.6%; Eat Bulaga 23.8% vs. Game Ka Na Ba 11.5% vs. Star Circle Quest Kid 8.8% at Wowowee 13.3%; Daisy Siete 17.3% at Agawin Mo Man ang Lahat 15.3% vs. Kapamilya Cinema 11%; Now and Forever 15.9% at Gokusen 19.3% vs. Eternal Love 8.4%; 24 Oras 27.4% vs. TV Patrol 16.3%; Extra Challenge 29.8% vs. PBB Teen Edition 26.4%; Majika 34.4% vs. Gulong ng Palad 28.7%; Love of the Condor Heroes 31.5% vs. Sa Piling Mo 29.7%; Jewel in the Palace 37.7% vs. Panday 19.3 at Wonderful Life 16.2%; Nuts Entertainment 18.1% vs. SOCO 11.9%. HUWEBES: Sweet 18 10.8% vs. Dos Amores 5.6%; SiS 12.8% vs. Homeboy 8.6%; House Husband 21% vs. Only You 9.3%; Eat Bulaga 24.9% vs. Game Ka Na Ba 12.1%, Star Circle Quest Kid 9.1% at Wowowee 12.8%; Daisy Siete 20.6% at Agawin Mo Man ang Lahat 16.9% vs. Kapamilya Cinema 13.6%; Now and Forever 15.9% at Gokusen 21.6% vs. Eternal Love 8.4%; 24 Oras 27.8% vs. TV Patrol 16.7%; Extra Challenge 28% vs. PBB Teen Edition 27.8%; Majika 38.7% vs. Gulong ng Palad 30.5%; Love of the Condor Heroes 38% vs. Sa Piling Mo 27.6%; Jewel in the Palace 39.8% vs. Panday 19.8%; Magpakailanman 18.3% vs. Maalaala Mo Kaya 19.7%. ***
(Miyerkules) nang 8:00 PM sa Boysie’s, #2115 M. H. del Pilar St., Malate, Manila. Ang tiket dito ay P200. Ang PAGEANT Night ay sa Mayo 12 (Biyernes) nang 8:00 PM sa PTA Tent Clamshell 2, WOW
Philippines, Gen. Luna St., Intramuros, Manila. Ang tiket dito ay P500. Kabilang sa 32 official candidates ang 6-footer na sina Randolf Dungo at Tyrone Gomez. Para sa mga detalye, makipag-alam kay Marcson sa cell# 0920-296-5084.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|