Alfie Lorenzo

Billy Balbastro

Rey Pumaloy  

Abu Tilamzik

Allan Diones


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Mayor Atienza saludo sa kabaitan ni Pacquiao


May special appearance si Ma-nila Mayor Lito Atienza (as himself) sa filmbio ni Manny Pacquiao.

Kuwento ni mayor nang makatsika namin siya over dinner sa Sanbashi restaurant nu’ng Miyerkules nang gabi, si Manny mismo ang nagsabi kay Mommy Rose Flaminiano na hindi kumpleto ang istorya ng buhay niya kung wala si Mayor Atienza sa kanyang biopic.

Hindi alam ni mayor kung kailan kukunan ang eksena niya pero excited siya at itinuturing niyang isang big honor na makasama sa pelikula ng People’s Champ.

Ayon kay mayor, nakai-impress ang kabaitan ni Manny. Bilib na bilib siya rito dahil marunong itong magpahalaga maging sa maliliit na bagay na nagawa niya.

Na-touch si mayor dahil hindi nakalilimot magpasalamat si Manny.

Sa katunayan, maraming kaibigan si Mayor Atienza na ang buong akala ay nasa Las Vegas siya nu’ng magwagi si Manny sa laban nito kay Erik Morales dahil nang manalo ito ay siya agad ang pinasalamatan.

Marami ang nagulat nang malamang sa SM Megamall lang siya nanood ng laban ni Pacquiao.

Five or six years ago nang magsimulang suportahan ni Mayor Atienza si Manny dahil noon pa ay hanga na siya sa galing nito sa boksing.

Nilinaw ni mayor na hindi totoo ‘yung balitang mag-ensayo ni Pacquiao para sa laban nito kay Oscar Larios sa Hulyo.

Sa katunayan ay paalis na ito ngayong second week of May para mag-ensayo sa Los Angeles, CA. Kumpiyansa si Mayor Lito na mananalo si Pacquiao sa laban nito kay Larios dito sa atin sa Hulyo 2.

"Manny is a very bright and disciplined person. He’s not just an ordinary boxer. Matalino siya, alam niya kung anong dapat niyang gawin para manalo," pakli ni mayor.

Natutuwa rin si mayor na dahil kay Pacquiao ay lumakas ang sports na boxing sa Pilipinas.

Ani mayor, "Manny has become the symbol of the Filipino champion quality," kaya napakarami ngayong gustong maging kampeon na katulad nito.

Sobrang idolo pala noon ni Mayor Atienza ang legendary boxer na si Muhammad Ali kaya ang pangalawa niyang anak na lalaki ay pinangalan niyang Ali (ipinanganak nu’ng 1972).

Pangarap niyang maging tanyag na boksingero ang kanyang anak kaya lang ay nagbago ang isip niya. Nu’ng magpunta raw kasi rito sa ‘Pinas si Muhammad Ali nu’ng 1976 (para sa Thrilla in Manila), ang advice nito sa mga kabataan ay "Don’t go into boxing" dahil nag-iisa lang daw ang Muhammad Ali at mas maraming boksingero sa mundo ang nagugutom at naghihikahos.

Ang ending ay sa taekwondo nalinya ang anak ni mayor at ito ang unang Pinoy na tumalo sa taekwondo sa isang Koreano sa Asian Championships.

Proud na proud si mayor nang magbigay ng gintong medalya si Ali para sa Pilipinas. Retired na sa taekwondo si Ali at ngayon ay ito ang head ng Manila Sports Council.

***

Nu’ng Huwebes ay nagkaroon ng mass breastfeeding sa Maynila hindi lang para i-promote ang pagpapasuso ng gatas ng ina kundi pa rin i-break ang Guinness record (sa pinakamaraming breastfeeding mothers at one time).

Nabura ng lungsod ng Maynila ang Guinness record na 1,000+ (na-set sa Amerika) sa napagsama-sama nilang 3,738 nursing mothers nu’ng Huwebes.

Ibinalita rin ni Mayor Atienza na starting next week ay magkakaroon ng nightly street magic show sa Baywalk na tinawag nilang ‘May Magic sa Maynila’ (na tatagal hanggang sa buong buwan ng Mayo).

Maging si Mayor Atienza ay marunong palang mag-magic. Nakatuwaan niyang sampolan si Isah Red at napabilib niya kami sa kanyang coin trick!

***

Pumunta si Ynez Veneracion sa Café Imperial nang malaman niyang nandu’n kami nu’ng Miyerkules nang gabi para makausap kami hinggil sa nasulat namin tungkol sa kanila ni Jay Justiniani ng Cueshé.

Na-hurt daw si Ynez doon sa part na okey lang kay Jay na ma-link kay Yasmien Kurdi pero sa kanya ay halatang ‘naiirita’ ito.

In-explain namin sa kanyang normal lang na maramdaman ‘yon ni Jay (at ng manager ng Cueshé) dahil feeling nila ay sila ang ‘nagagamit’ sa nasabing isyu.

Depensa ni Ynez, wala siyang kinalaman sa mga naglabasang pictures nila ni Jay at hindi siya ang nag-utos na ilabas ang mga ito.

Nagkataon lang daw na nakunan sila na magkasama sa opening ng bar ng kaibigan niya pero wala raw anumang ibig sabihin ‘yon.

Sumang-ayon siya sa sinulat namin na magkaibigan lang sila ni Jay, hindi siya niligawan, hindi naging sila at wala ring anumang nangyari sa kanila ng bokalista ng Cueshé. Ganu’n lang daw sila magbiruan ni Jay, may konting landian at harutan pero wala raw ‘yon sa kanila pareho.

Ayon kay Ynez ay hindi niya type si Jay at ang tingin niya rito ay kaibigan lang o parang kapatid. Wala rin daw siyang pagnanasa sa bandmate ni Jay na si Ruben Caballero.

Wala raw siyang balak gamitin si Jay o ang Cueshé kahit alam niyang sikat ang mga ito ngayon. Sa katunayan ay nasa Hong Kong daw siya kasama ang pamilya ni Mon Confiado nang maglabasan ang mga larawan nila ni Jay at nagulat na lang siya pagbalik niya na may mga ganu’n na palang isyu.

Nagpainterbyu rin daw siya sa mga talk show tungkol dito pero huli na raw ‘yon at ayaw na niyang palakihin pa ito. Samantala, hindi raw sila nagkabalikan ni Mon kahit 3 days silang magkasama sa Hong Kong. Wala rin daw ‘chorvahang’ naganap sa kanila habang nandu’n sila.

Sa mga nag-iisip naman na baka nagpa-‘booking’ si Ynez sa HK (dahil ‘yun ulit ang iniisyu sa kanya), nakahanda raw magbayad si Ynez nang kahit magkano kung may makapaglalabas ng ebidensiya na totoong nagpapa-‘booking’ siya!

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top