|
Mon, nagpapasalamat kay Allan K
|
ENTERTAINMENT
Mon, nagpapasalamat kay Allan K Nasunog ang 22nd St. Comedy Bar (Marcos Hi-way) na pag-aari ng magkapatid na Mon at Kai Confiado noong Pebrero 3 ng taong ito. Hindi iyon naka-insure kaya malaking pera ang nawala sa kanila. "P6M na ang nagastos namin, hindi pa tapos ang renovation. Hopefully, makakapag-grand reopening na kami in three weeks, tamang-tama sa 10th anniversary nito," sabi ni Mon kahapon nang hapon sa Baang Coffee (Morato Av., QC). Nagpa-mini presscon si Mon
kahapon upang ipaabot sa lahat ang pasasalamat niya kay Allan K. Kuwento ni Mon, "Nagsara na ‘yung Soundstage, gagawing casino. Nabalitaan ko na may nag-offer kay Allan K na magtayo ng branch ng Klownz sa may Marcos Hi-way kaya nag-worry ako, at sinabihan ko si Kuya Jun (Nardo, manager ni Allan K) kung pwedeng pakiusapan si Allan na huwag nang magtayo roon ng Klownz. "Personal na tumawag sa akin si Allan K at sabi niya, hindi na siya magtatayo ng Klownz doon. ‘Usapang lalaki,’ sabi niya, at natawa ako. "Sa seryosong usapan, sinabi niya, ‘Sige, hindi na kami magtatayo diyan. "Sa 22nd St. kasi sa
Marcos Hi-way, eksaktung-eksakto lang ‘yung market nito. Kapag nagtayo
roon ng branch ang Klownz, mahahati lang ang market. "Nagpapasalamat ako kay Allan sa ginawa niyang ‘yun, hindi dahil iniurong niya ang plano niya, kundi ‘yung pagka-makatao niya, may concern sa kapwa, hindi katulad ng iba, ‘Business ito, pagandahan tayo! Kung sino ang pasukin, pasensyahan na lang!’ "Kasya successful si Allan K, kasi, may malaki siyang puso!" bulalas pa ni Mon. Opo! Hindi lang ilong ang malaki kay Allan K! (JDO) *** Nagkita sina Angelika Jones at Onemig Bondoc sa miting ng Chowtime dahil balak yata ng producer na ibalik ito sa bagong format. Kinausap nila ang lahat na hosts at mukhang meron silang bagong gimik sa pagbabalik nito. Hindi naman siguro nila gagamiting gimik ang pagsasama muli nina Angelika at Onemig. Tsika sa amin ni Mommy Beth ni Angelika, na-late ng dating sa miting si Onemig at nakaalis na raw ang ibang mga hosts dahil halos tapos na ang miting nang dumating si Onemig. Nandun pa raw sila nang dumating si Onemig, kaya lang ay nasa CR si Angelika at nasa labas na si Mommy Beth kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong magkasalubong sila. Umiwas na lang daw sina Angelika dahil mukhang hindi pa sila handing magkabati. Ewan ko lang kung tuloy sina Angelika at Mommy Beth sa pagbabalik ng Chowtime dahil ang dinig namin, si Onemig ang main host sa programang ito. (ABU TILAMZIK) *** Ipagdiriwang ni Jaya ang ikasampung anibersaryo niya sa showbiz sa pamamagitan ng Overjoyed concert sa Mayo 12 at 13 sa Music Museum. Significant ang mga petsa
ng concert na ito ni Jaya dahil malapit ito sa Mother’s Day. Sa Agosto kasi ay magiging ganap nang ina si Jaya. Kahit lumolobo na ang kanyang sinapupunan ay sige pa rin si Jaya sa pagtatrabaho. "I never expected this to happen, but I wanted it to. Elizabeth Ramsey Jr. will soon be born but rest assured that I’ll still be here and I’ll continue working for as long as I am able to," pahayag ni Jaya. Kabahagi sa Overjoyed concert sina Janno Gibbs, Allan K, JayR, Elizabeth Ramsey at The Opera. Ang tiket ay P1200, P900 at P600, at mabibili na sa National Bookstore Ticketworld outlets at Music Museum. Para sa mga detalye, makipag-alam sa cell# 0917-897-8357 |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|