May 04, 2008 - Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
THE WORLD TONITE
 
OSPITAL, WASAK SA US AIR STRIKE
AFP
 

BAGHDAD --- Isang ospital sa Iraqi capital sa Sadr City, kilalang baluwarte o teritoryo ng Shiite militia, ang nawasak matapos magsagawa ng air strike ang US kahapon, kung saan aabot pa sa 20 katao ang nasugatan, ayon sa medics at mga saksi.

Ayon sa isang medic sa Al-Sadr hospital na isa sa tinaman, kabilang sa 20 katao na nasapol sa air strike ang mga babae at bata, na nangyari ayon sa security official dakong alas-10:00 ng umaga.

Ayon pa sa mga saksi, target ng strike, kung saan naghulog ang puwersa ng US ng ilang missiles, ang maliit na bahay malapit sa Al-Sadr hospital at ginagamit umanong pahingahan ng Shiite pilgrims.

Sa tindi umano ng pagsabog nasira ang kung ilang dosenang ambulansya na pag-aari ng ospital, gayundin ang isa sa tatlong pangunahing medical facilities sa distrito, nawasak pati mga bintana ng gusali, ayon sa mamamahayag ng AFP na nasa lugar ng pinangyarihan ng air strike.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES