May 04, 2008 - Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  Norwood, Slam Dunk king; Popus sa 3 points at Losentes sa obstacle
 

Madaling pinamayagpagan kagaya nang inaasahan ni Fil-Am Gabe Norwood ng Hapee Toothpaste ang slam dunk, habang nakagitla ang mga ‘di gaanong inaasahang sina Nichos Popus ng Burger King at Lomer Losentes ng San Mig Coffee sa three-point shootout at obstacle challenge sa 2008 Philippine Basketball League Showcase sa The Arena sa San Juan City kahapon.

Bukod sa eleganteng mga tropeo, nabiyayaan ang bawat isa ng tig-P5,000 sa okasyong naging kasunod sa matagumpay na pagdaraos ng liga ng out-of-town game sa Trece Martires City, Cavite noong Huwebes.

Umiskor ang 6-foot-5 na si Norwood ng perfect scores sa lahat ng tatlong round ng kumpetisyon na tinapos niya ng windmill dunk na labis hiniyawan at pinalakpa­kan ng mga miron.

Sa pinagsamang puwersa at liksi, nakumbinsi niyang iskoran siya ng perpektong iskor ng limang hurado, kabilang si three-time Phil. Basketball Association slam dunk champion Niño Canaleta ng Air21, kampeon sa taong ito na si Kelly Williams ng Sta. Lucia Realty at Roger Yap ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs.

Bulilyaso si Bacchus’ Rey Guevarra, hari noong isang taon, na maipagtanggol ang titulo dahil sa natamong pilay sa praktis noong isang araw. Apat lang sa 11 kalahok ang nasilayan sa dakdakan matapos umurong ang anim na iba pa dahil sa iba’t ibang rason.

Isa sa umatras sa grupo si Popus na sorpresang nagwagi sa 3-pt shootout makalipas magbuslo ng siyam na puntos sa finals upang makaungos sa mas sikat na katropang si Mike Bravo (7 pts.) at Reed Juntilla (3) sa kapana-panabik na paligsahan kung saan anim ang umentra sa finale mula sa 16 na kasali.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES