May 04, 2008 - Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  BULLS BIGO SA SOLO LIDERATO
Ramil Cruz
 

Sumandal ang Magnolia sa 11-0 salvo sa third quarter at sinawata ang late endgame rally ng Red Bull Energy Drink para biguing makipkip nito ang solong liderato sa 2008 SMART-Philippine Basketball Association Fies­ta Conference first round eliminations sa kumpas na 102-95 win kagabi.

Ang tagumpay sa la­rong ginanap sa De La Salle University Centrum sa Lipa City, Batangas ay nagsilbing pambawi ng tropa sa 108-101 loss sa Welcoat Paints noong Miyerkules.

Nagdiwang si Atlanta Hawks forward Marvin Williams habang sina Boston Celtics forward James Posey at guard Rajon Rondo ay nililisan naman ang court, matapos magposte ang Hawks ng 103-100 Game 6 win at itabla ang serye sa 3-3. (AP)

Limang alipores ni Magnolia coach Siot Tanquingcen ang mga tumipa ng dobleng pigura sa paggiya ni Lordy Tugade hambing sa tatlo lang na mga bataan ni coach Yeng Guiao na tinrangkuhan ni Adam Parada sa kagayang numero.

Nalasap man ng Bulls ang pangalawang talo sa pitong pakikidigma, umakbay ito sa Coca-Cola sa tuktok ng katayuan samantalang ang winning team ay ‘di rin natinag sa panlima sa paglagok ng pang-apat na pananaig sa pitong sabak.

Sa pagbabalik-aksyon ngayon ng hostilidad sa Araneta Coliseum sa Quezon City, pakay ng tumeterserang Talk ‘N Text (4-2) na maibuhol ang tripleng tablahan sa itaas sa pakikipaggirian sa inaalat na kahalubilo sa pampitong Alaska Milk (2-4) sa alas-6:50 ng gabi.

Ang alas-4:30 ng hapon komprontasyon ay para naman sa pumapang-apat na Sta. Lucia Realty (3-2) at Welcoat Paints (2-4) na dito’y misyon ng Realtors na tumibay sa katayuan o umangat sa pangatlo depende sa resulta ng main game, habang ang Dragons ay maikasa ang pangatlong deretsong tagumpay.

Bago ang nasabing dalawang sultada, itataas ang kurtina ng Junior PBA Basketball League simula sa alas-12:30 ng tanghali kung saan 10 koponan ang kalahok sa taunang paliga tuwing tag-init na alay ng PBA sa mga tsikiting.

“This is a way for kids to enjoy the summer, play in a friendly but competitive basketball tournament that may yet spawn future PBA superstars,” sambit kahapon ni league commissioner Renauld ‘Sonny’ Barrios.

Ang iskor:

Magnolia 102 -- Tugade 22, Racela 19, Hontiveros 19, Watkins 18, Cortez 10, Pingris 6, Peña 4, Gonzales 2, Tolomia 2, Bono 0, Calaguio 0.
Red Bull 95 -- Parada 22, Baguio 17, Hrabak 14, Duncil 8, Cruz 8, Pennisi 6, Najorda 5, Sharma 4, Alvarez 4, Ybanez 0, Adriano 0.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES