| BULLS BIGO SA SOLO LIDERATO |
| Sumandal ang Magnolia sa 11-0 salvo sa third quarter at sinawata ang late endgame rally ng Red Bull Energy Drink para biguing makipkip nito ang solong liderato sa 2008 SMART-Philippine Basketball Association Fiesta Conference first round eliminations sa kumpas na 102-95 win kagabi. |
| Cavs at Jazz sa second round; Boston-Atlanta may Game 7 |
| WASHINGTON (AP) --- Kay LeBron James ang huling kataga. Sa National Basketball Association playoff series na tigib ng maanghang na balitaktakan, matitigas na fouls, 13 technical, isang ejection, 1 suspension at marami pang iba, naroon si James na sangkot lagi sa Game Six. At sa naging personal na laban, binalikat niya ang Cleveland Cavaliers upang mahakbangan ang Washington Wizards. |
| Norwood, Slam Dunk king; Popus sa 3 points at Losentes sa obstacle |
| Madaling pinamayagpagan kagaya nang inaasahan ni Fil-Am Gabe Norwood ng Hapee Toothpaste ang slam dunk, habang nakagitla ang mga ‘di gaanong inaasahang sina Nichos Popus ng Burger King at Lomer Losentes ng San Mig Coffee sa three-point shootout at obstacle challenge sa 2008 Philippine Basketball League Showcase sa The Arena sa San Juan City kahapon. |
| Castro magpapakitang-gilas sa Singapore |
| ‘Di mababangko si Jason Castro sa magtatatlong taon nang Singapore Slingers sa pagsabak bilang unang Pinoy na maglalaro sa kinikilalang panlimang astig na propesyunal na liga sa mundo -- ang National Basketball League ng Australia -- sa darating na 31st o 2008-09 season nito umpisa sa Setyembre. |
| Tsamp: Eksena sa Intramuros |
| Nag-golf ako noong Miyerkules sa Intramuros at meron na naman akong natutunan. |





