Dear Tita Nora,
Hi there, Tita Nora. I’m Lovely (not my real name). I’m 16 years old.
Graduating na po ako at nagta-top naman sa classroom namin.
May four po akong ka-close na babae. Isa lang ang ka-section ko, ‘yung tatlo po ay sa ibang section. Puro na po sila may boyfriend. Out of place ako pag lumalabas kami dahil ako lang ang walang partner.
May mga nanliligaw po sa akin. Mga classmate ko ‘yung iba, ‘yung iba nama’y classmate ng tatlo kong friends sa ibang section.
Ang pangalan po nu’ng isa ay Jerome. Okay po siyang kasama pero wala akong nararamdaman sa kanya.
Pwede ko ba siyang sagutin para may ka-love team na rin ako? Kaya lang po ay hindi pa raw ako puwedeng makipag-bf hangga’t hindi nakakatapos ng high school. Nagtitiwala po ako sa inyo, sana Tita Nora mapayuhan mo ako.
Lovely
Dear Lovely,
Thank you sa letter at sa pagtitiwala mo, iha. Pero kung hindi ka pa ready sa isang ‘commitment’ ay huwag mo munang madaliin o pilitin ang sarili mo.
Huwag mong gayahin ang friends mo at huwag ding sasagutin si Jerome kung wala ka rin lang feelings sa kanya. Bukod sa dinadaya mo na ang sarili mo’y para mo na rin siyang niloloko.
Hindi naman kasi porke’t may mga boyfriend na ang mga kabarkada mo’y kailangang makipag-boyfriend ka na rin.
Huwag mong piliting maging ‘in’ sa kanila kung hindi pa ito ang right time, iha. May tamang oras sa pakikipagrelasyon at hindi rin iyan biro kaya hayaan mong dumating ang tamang panahon na iyon.
Pansamantala’y sundin mo muna ang parents mo at i-prioritize ang studies mo.
Good luck and God bless you.
Love,
Tita Nora