Tatanggap lang ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama? -- Job 2:10
Noong taglagas ng 1982, si Deborah Kiley kasama ang tatlong kabataan ay naglayag para dalhin ang 58-piyeng yate, ang Trashman mula Maine hanggang Florida, USA. Sa pagtawid sa baybay ng North Carolina, lumakas ang hangin, ang ga-bundok na alon ang nagpalubog sa bangka nila. Nagtiis sila sa hirap sa dagat, walang pagkain o tubig na maiinom sa loob ng apat na araw, nakakapit lang sa isang maliit na lifeboat sa mapating na tubig.
Sa aklat na Albatross, idinalangin niya ang “Panalangin ng Panginoon,” at hiniling na turuan siya sa krisis na ito. Naalala ni Deborah kung paanong ang isang pahinante ng yate ay pasigaw na nagmumura sa Diyos. Pagod na pagod man, patuloy na nanalangin si Deborah. Di nagtagal ang pahinante ay uminom ng tubig-dagat at nagdeliryo, tumalon sa dagat at nilamon ng pating. At sa wakas, nailigtas sila ng isang bapor ng Rusya.
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang tugon sa krisis. Daan-daang taong nakaraan, si Job ay tumanggap ng sunud-sunod na dagok sa buhay. May pagkakataong sinabi ng asawa niya na sumpain ang Diyos at mamatay. Malalim ang naging tugon ni Job, “tatanggap ba lamang tayo ng mabuti mula sa kamay ng Diyos at hindi tatanggap ng masama?” (Job 2:10).
Sa susunod na dumating ang krisis, kilalanin ang paghahari ng Diyos sa lahat at gawin ang ginawa ni Deborah -- hilingin sa Kanya na turuan ka sa pangyayaring ito. -- Dennis Fisher
Panginoon, ‘di ko itatanong kung bakit
Mga pagsubok na ito ay dumating
Ngunit ipakita ang leksyon sa pagsubok
Tungkol sa dakila Mong pag-ibig. -- D. De Haan
|