Ito ang pakiramdam ni Anakpawis party-list Rep. Crispin Beltran kaya hindi kayang magdesisyong mag-isa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ukol sa hinihinging umento sa sahod ng mga manggagawa.
Aniya, mas malakas ang pagla-lobby ng mga negosyante kaysa sa boses ng mga manggagawa kaya posibleng baratin lamang ng gobyerno ang hinihinging wage hike ng mga obrero.
“The Arroyo government again favored the interest of businessmen and employers who are also steadfast in their lobbying against any legislated wage hike,” pahayag ni Beltran.
Dahil dito, hindi na umaasa ang kongresista na tataas pa sa P15 ang ibibigay na umento kapag nakapagdesisyon na ang mga regional wage board.
Mas malamang aniya na pawang mga non-wage benefit ang ilalabas ng mga wage board sa iba’t ibang rehiyon dahil ito aniya ang nais ng mga negosyante.
Ang masaklap, ang mga non-wage benefit na ito ay hindi umano sasagutin ng mga negosyante kundi ng gobyerno tulad ng itinutulak na tax relief sa Kamara.
|