May 04, 2008 - Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
OTHER NEWS
 
 
Lady solon suma-sideline bilang bagwoman ng Kamara
Bernard Taguinod

Bukod sa pampuno ng quorum, mayroong pinasok na sideline ang isang lady solon kapag wala itong biyahe sa ibang bansa at ito ay ang pagiging “bagwoman”.
Ito ang natuklasan ng DPA ng TONITE sa pinagkakaabalahan ng lady solon sa loob ng plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya naman halos sambahin siya ng kanyang mga kapwa mambabatas.

Ang matindi sa lahat, walang takot ang lady solon na gampanan ang pagiging “bagwoman” ng Malacañang dahil sa gitna mismo ng plenaryo ito namudmod ng pork barrel.

Naging patakaran na sa Kamara na kapag oras ng pamimigay ng pork barrel, personal na pinupuntahan ng mga kongresista ang tanggapan ng House Speaker lalo na nu’ng nakaraang administrasyon.

Sa dating liderato ay mayroong itinalagang tao sa Office of the Speaker na magbibigay ng envelop na naglalaman ng dokumento na maaari na nilang gamitin ang pondong nakapaloob sa kanilang pork barrel.

Subalit binago ng lady solon ang patakarang ito dahil hindi na kailangan ng mga mambabatas na umakyat pa sa Office of the Speaker para makuha ang kanilang pork barrel.

Personal na itong ipinamumudmod ng lady solon sa loob ng plenaryo ng Mababang Kapulungan kahit marami, kaya hinahangaan ang lakas ng loob nito.
Sa unang tingin, mga simpleng envelop lamang ang ipinamimigay ng lady solon sa bawat kongresista na pinupuntahan nito sa kanilang mesa kaya ang akala ng mga bisita ay wala lang ito.

Ang hindi nila alam, naglalaman ng pork barrel ang manipis na brown envelop at ang lady solon ang naatasang mamudmod nito kapag wala itong lakad sa ibang bansa.

Ito na lamang ang laging pinagkakaabalahan ng lady solon sa loob ng plenaryo at wala na itong pakialam sa mga nagdedebate sa iba’t ibang isyu ng lipunan.

Minsan na ring sumali sa debate ang mokang at ito’y tungkol sa negosyo sa kanilang lalawigan na hindi kalayuan sa Metro Manila na kanyang ipinagtanggol
Clue: Matatamis ang mangga sa lalawigan ng lady solon at nagtataglay ng pinakamagandang hita sa Kamara kaya idini-display niya ito. Mayroon siyang inisyal na M as in Magandang Hita.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES