Ang kauna-unahang mass-vehicular transportation service sa Pilipinas ay ang De Dios Transit Bus Corp. Tumabo ang mga sasakyan ng kumpanya ng bus na ito sa mga pangunahing lansangan ng Maynila pagkatapos ng World War II.
***
Si Lencio Malinas ang ikinukunsidera bilang kauna-unahang pilotong Filipino. Nakapagpalipad siya ng eroplano noong Abril 1920.
***
Galing sa France na ibiniyahe ng La Estrella del Norte patungo sa Pilipinas ang kauna-unahang kotse sa bansa. Binili ito ng isang mayamang doktor. Subalit ang mga kauna-unahang shipment ng mga kotse na ibinenta sa Pilipinas ay noong 1907 kung saan ang Bachrach Motors, affiliate ng Ford Motor Co. ang nag-angkat ng mga sasakyan.
***
Tinawag sa pangalang PADC Hummingbird ang unang helicopter na ginawa ng mga Filipino. Halos kinopya ang disenyo nito mula sa Bo 105 helicopter ng Germany. Nagbanta ang Germany na papatawan ng sanctions ang Philippine Aerospace Development Company (PADC) kung kaya’t sinira ng PADC ang lahat ng mga plano nito at ang mga nabuo ng piyesa para sa gagawin sanang helicopter.
***
Ang arkitektong si Carlos Antonio Santos ang gumawa ng mga disenyo ng mga simbahan ng Iglesia Ni Cristo (INC). Subalit hindi siya miyembro ng nasabing religious group dahil si Santos ay isang debotong Katoliko.
|