NAKAKA-DISTRACT ang makapal na make-up sa mukha ng young actor na si E.
Kung ipagpapatuloy ni E ang paglalagay ng makapal na make-up, lalong hindi mawawala ang pagdududa tungkol sa kanyang kasarian.
Habang tumatagal, lalong lumalamya ang pananalita at mga kilos ni E kaya hinuhulaan ng mga bitchy reporter na sooner or later, ilalantad niya ang tunay na pagkatao.
***
Lately, nakakarinig kami ng mga kuwento mula sa mga showbiz personality na sangkot at saksi sa mga maiinit na isyu at eskandalo sa mundong kanilang ginagalawan.
Mga eskandalo na pinatutunayan nila na totoo pero nahihirapan kami na paniwalaan kahit alam namin na katotohanan ang kanilang mga sinasabi.
Parang kathang-isip lamang ang kuwento pero sumusumpa ang aming source na totoong nangyari ang pagtatagpo ng isang rich gay businessman at ng young actor na nakursunadahan niya.
Sinabi ng informer na tumanggap ng P3M mula sa gay businessman ang young actor.
Nakinabang din ang informer dahil binigyan siya ng P70,000 bilang komisyon.
***
Hindi nagsisinungaling ang isang kaibigan namin na nagkuwento na totoo at hindi pantasya ang kuwento tungkol sa dalawang sikat na aktor na may relasyon.
Walang dahilan para mag-imbento ng balita ang aming kaibigan pero kapag naiisip namin ang kanyang detalyadong kuwento, parang eksena lamang ito mula sa isang pelikula at hindi sa tunay na buhay.
***
Inamin ng isang aktres na nagpakasal siya sa kapwa babae at naganap ito sa Las Vegas ilang taon na ang nakararaan.
Katuwaan lamang daw ang kanilang pagpapakasal dahil alam nila na hindi tanggap sa Pilipinas ang same-sex marriage.
May mga wedding picture sila and yet, parang panaginip lang sa amin ang kuwento ng aktres dahil wala kami sa aktuwal na pinangyarihan ng kanilang kasal.
***
Nakita namin sa isang cellphone ang litrato ng pagpapakasal ni Robin Padilla at ng direktor na si Wenn Deramas pero hindi kami nagduda na fake ‘yon dahil inaamin nila na katuwaan lamang ang kanilang ginawa.
Ikinuwento ni Wenn sa presscon ng Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy na nakatanggap siya sa kanyang cellphone ng MMS mula kay Ai Ai de las Alas.
Magkaakbay sa MMS photo sina Robin at Ai Ai. Ang inggitin si Wenn ang intensyon ni Ai Ai pero hindi nagpatalo ang direktor.
Kinuntsaba ni Wenn si Robin na magpakuha sila ng litrato habang nasa akto ng pagpapakasal.
Si Robin pa ang nagturo kay Wenn ng wastong posing habang ikinakasal sila.
Ito ang MMS picture na ipinadala nila sa cellphone ni Ai Ai na hindi na nakapag-react.
***
Introducing sa Ikaw Pa Rin si Rizza Santos na nag-enjoy nang husto sa kanyang first major role sa pelikula.
Ang Ikaw Pa Rin ang itinuturing ni Rizza na unang major film niya dahil cameo lang ang kanyang papel sa When Love Begins ng Star Cinema.
“I’d love going to the set. I really enjoy comedy films,” ani Rizza na puring-puri ni Wenn dahil dumarating siya sa set na memoryado ang kanyang mga linya.
***
Comments are welcome at jojogabinere@yahoo.com.