May 04, 2008 - Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Polo, natawa nang malamang crush ni Luis si Jean Garcia
Allan Diones
 

NATAWA kami sa reaksyon ni Polo Ravales nang pagreakin namin siya sa balitang type ni Luis Alandy ang nali-link sa kanya ngayon (at balitang karelasyon niya) na si Jean Garcia.

Sa nakaraang presscon kasi ng Dyesebel ay na­ging very vocal si Luis sa pag-amin na crush niya ang si Jean.

“Talaga, crush niya si Jean? Hindi ako takot! Ha! Ha! Ha! Biro lang!” natatawang dayalog sa nga ni Polo.

Ayon kay Polo, normal feeling lang ng isang lalake ang magka-crush kay Jean. Basta, ang alam daw niya ay secure siya sa sarili niya.

Paano kung malaman na lang niya na sina Jean at Luis na pala?

“Parang imposible!” mabilis na sagot ni Polo, na parang very confident.
“Siguro, kung type ni Jean. Ewan ko kung sinong type niya. Ask her!” dugtong niya.
Mahi-hurt ba siya ‘pag nagkaroon ng relasyon sina Jean at Luis?
“Hindi. Why will I get hurt, eh magkaibigan lang naman kami? I just want her to be happy. Ha! Ha! Ha!”

Natawa lang din si Polo nang sabihin na­ming walang naniniwala na wala silang relasyon ni Jean. Ang maiksing reaksyon niya ay sweet daw kasi sila ni Jean kaya gano’n.

Sa Mayo 16 ay may repeat ang show nina Polo na Rubirubi@Boyz.com sa Metro Bar.

Nu’ng huling show ng boyz.com sa Zirkoh-Greenhills ay nanood si Jean, so malamang manood ulit ito bilang suporta kay Polo.
Ani Polo, hindi threatened ang grupo nila sa bagong sexy boy group na Cover Boys.

“Good luck sa kanila!” ang mensahe ni Polo sa grupo nina Zanjoe Marudo, Jake Cuenca, Rafael Rosell, atbp.

Happy raw ang boyz.com na successful ang nauna nilang shows sa Zirkoh-Timog at Zirkoh-Greenhills.

May mga bagong numbers silang gagawin sa Metro Bar at handa si Polo na mas laswain pa sila ng komedyanang si Rubirubi.

Kasama ni Polo sa boyz.com sina Frank Garcia, Joseph Bitangcol, Gabb Drilon at Alwyn Uytingco.

Guests nila sa Rubirubi@Boyz.com 2 sina Rufa Mae Quinto, Jan Nieto at Hazel Ann Mendoza.

***

May bagong pangalan ang bandang Mojofly. Napagdesisyunan ng grupo na ‘Delara’ na ang itawag sa kanilang grupo na bahagi ng holistic change ng banda, mula sa kanilang tunog, miyembro at overall packaging.

Ang Delara ay binubuo nina Lougee Basabas (vocals), Ali Alejandro (drums), Richard Carandang (bass) at Ace Evangelista (guitar).

Kuwento ng guwaping na anak ni Hajji Alejandro na si Ali sa press launch ng Delara sa Ratsky, Morato, ‘Lara’ ang una nilang naisip dahil initials nila itong apat (Lougee, Ali, Richard, Ace), tapos ay nilagyan niya ng ‘De’ (o ‘the’) sa simula kaya naging ‘Delara.’

Mga limang taon ding naging bokalista ng Mojofly si Lougee, na naging kapalit ni Kitchie Nadal nu’ng umalis si Kitchie sa banda at nag-solo.

Sey ni Lougee, lahat ng members ng orig na Mojofly ay napalitan na, “so it doesn’t make sense anymore to retain the name.” Kahit maraming humihimok kay Lougee (Maria Lourdes Grace ang buong name niya) na mag-solo ay ayaw niya dahil hindi niya raw ma-imagine ang sarili niyang wala siyang banda.

Isa pa ay aminado siyang hindi siya pang-solo singer dahil hindi pan-diva ang boses niya.

Mas marami nang nakakakilala kay Lougee mula nang maging regular siya sa Eat Bulaga nu’ng Setyembre 2007. Aniya, magandang exposure ang noontime show dahil mas lumawak ang kanyang audience kumpara sa banda na limitado lang ang nakakapanood.

Natutuwa ang pretty singer na hindi na siya pinapakanta sa Eat Bulaga (ang Brazilian model na si Daiana ang pumalit sa kanya) at hosting na ang natotoka sa kanya dahil ‘yun ang type niyang gawin.

Ang segment na ‘Sa Pula, Sa Puti’ at ‘Ang Joke Joke’ ang madalas ibigay sa kanya.

Super-happy si Lougee sa kanyang Eat Bulaga family at close daw siya sa lahat dahil sobrang babait ng hosts ng show.

Inamin niya sa aming nobyo niya ang long-hair na bahista ng Delara na si Richard Carandang kaya masaya rin ang kanyang lovelife.

***

May special Mothers’ Day treat si Mother Lily Monteverde sa kanyang Imperial Palace Suites sa Timog-Morato, QC nga­yong buwan ng mga dakilang ina.
Mula Mayo 7-14, may special room package promo ang Imperial Palace for mothers.

Discounted ang overnight stay for two sa Studio Suite o 1-bedroom suite. May kasama itong buffet breakfast, one-hour massage sa Asmara Spa ng IPS, bouquet of flowers at iba pang treats for mothers.

May inihanda rin ang IPS na special Mothers’ Day feast sa mismong araw ng mga ina sa Mayo 11.

For inquiries and reser­vations, tumawag sa tel# 927-8001 to 05 o mag-log on sa www.imperial.ph.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES