MADALAS nakikita si Rovilson Fernandez na sumusubok ng kung anu-anong mga extreme sport o pisikal na challenges sa telebisyon.
Simula ngayong Linggo (Mayo 4) nang 6:00 PM, mapapanood si Rovilson bilang host ng info-tainment program ng Q-11 na ang Ang Pinaka.
Sa pagdating ni Rovilson sa programa, maraming bago at kakaibang listahan ng mga patok sa Pinoy ang ipakikita ng Ang Pinaka.
***
Pitong pares ng cast ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita ang magkakalaban sa All Star ‘K’ mamayang gabi sa GMA 7.
Patalbugan sa videoke challenge sina Patrick Garcia & Jim Jim Pebangco, Yasmien Kurdi & Lizzy Pecson, Marvin Agustin & Kiel Rodriguez, Angelika de la Cruz & Arnel Carrion, Diana Zubiri & Caloy Alde, Paolo Contis & Idda Yaneza, at JC de Vera & Dhang Amistad.
Ang K!Ller ay si Dina Bonnevie.
***
Magpapatalbugan ang mga hayop sa Matanglawin ni Kuya Kim (Atienza) bukas, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.
Nariyan ang asong nagtitinikling at nagba-basketball, ang Macaque Monkey na kayang mag-dunk ala Michael Jordan, ang Philippine Monkey na nakakapagbisikleta at rollerblades, at ang pot bellied pig na marunong makipag-handshake.
Nariyan din ang freak animals tulad ng baka na dalawa ang ulo, sisiw na may sobrang paa, at aso na dalawa ang ari.
***
Tapos na ang pamamalagi ng PBB Teen Edition Plus housemates na sina Jieriel, Linda at Kevin sa Bahay ni Kuya.
Pero tuloy ang pagharap nila sa mga hamon ng buhay.
Lahat sila’y may planong subukan ang showbiz.
Gusto nina Jieriel at Linda na pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista.
Plano ni Jieriel na kumuha ng Dentistry. Balak tapusin ni Linda ang high school sa Manila.
Ang equestrian na si Kevin ay gustong makasali sa Olympics. Pangarap niyang makatrabaho sina Anne Curtis at Luis Manzano.
Wala raw silang sama ng loob sa mga nag-nominate sa kanila noong nasa loob pa ng Bahay ni Kuya.
Naiintindihan daw nila ang mgha dahilan ng mga kasamahan nilang nag-nominate sa kanila.
Walang pagsisisi sina Kevin at Linda sa kanilang voluntary exit.
May kani-kanya silang manok para sa Big 4.
Gusto ni Jieriel na si Jolas ang manalo, at makasama sa Big 4 sina Beauty, Robin at Ejay.
Ang Top 3 para kay Linda ay sina Robi, Nan at Valerie.
Ang choices ni Kevin para sa Big 4 ay sina Nan, Ejay, Jolas at Rona.