|
|
ENTERTAINMENT
Heart nagre-react sa mga nag-iinarte Aminado si Heart
Evangelista na noong una ay hindi siya nagre-reach-out sa
entertainment press. Noon daw kasi ay ni hindi niya iniisip na magpa-presscon ng sarili niya. Umaasa lang siya noon sa mga presscon ng ABS-CBN 2 o ng Star Magic (na nagma-manage noon ng career niya). Pero magandang influence raw sa kanya ang boyfriend na si Jericho Rosales. Ngayon daw kasi ay hindi na siya ilag sa entertainment press. Basta may project daw siya ay naiisip niya na magpatawag ng sariling presscon. Hindi na rin takot si Heart na pag-usapan ang mga isyu sa kanya. Noon kasi ay nagde-deny pa siya; pero ngayon, basta totoo, inaamin niya. Pati ang pagiging maarte niya noon ay inamin ni Heart nang makatsikahan namin siya kahapon. "Noong nagsisimula pa lang kasi ako sa showbiz, talagang maarte ako. Bukod sa pa-English-English ako palagi, ang arte-arte ko sa lahat ng bagay. "Ngayon, malaki na ang ipinagbago ko. Nakatulong din sa akin ‘yung pakikipagkaibigan ko kay Angelica Panganiban. Noon yata, pati si Angel, naaartehan sa akin. Pero ngayon, hindi na ako maarte. "Kapag may nakikita akong mga nag-iinarte ngayon, nagre-react ako. Hindi ko nagugustuhan. ‘Yun din siguro ang dating ko noon sa mga tao," pahayag ng girlfriend ni Jericho. Inamin din ni Heart ‘yung kumalat na picture noon na naghahalikan sila ng ex-boyfriend niyang si Ian Dy (galing sa isang prominenteng pamilya sa Isabela). "Noon talaga, nag-deny ako. Hindi ko inamin ‘yon, pero sige, I admit, totoo ‘yung litratong ‘yon. ‘Yun ‘yong time na tumatakas pa ako sa amin. "Pero hindi totoo ‘yung sinabi ng iba noon na naka-drugs daw ako. Na kesyo lasing na lasing ako. I don’t do drugs! Kung uminom man ako, I make sure na hindi ako ‘yung tipong maglulupasay na sa kalasingan. "Hindi pa nangyari sa akin ‘yon. Saka at that time nga, eh, tumatakas lang ako sa amin, alangan namang maglasing ako at maaamoy ako pag-uwi ko sa bahay," pahayag ni Heart. Inamin din ng dalaga na nagrebelde siya noon sa kanyang mga magulang. Noong una raw kasi, ang akala niya ay pwede na siyang maging independent kapag 18 y/o na siya, pero naurong ‘yon ng 21 years old at noong 21 years na siya, hindi pa rin siya pinayagang maging independent. "Naging rebelde ako sa hindi ko malamang dahilan. Noon kasi, maraming bawal-bawal sa akin, kaya kumawala ako sa amin. "I regret that. Pero natuto naman ako. Naintindihan ko kung bakit ako hinihigpitan sa amin. "Ngayon naman, okey na ako. Okey kami ng parents ko. Naiintindihan ko sila," sabi pa niya. Nilinaw rin ni Heart na hindi totoong magka-live-in sila ni Jericho. Nakatira raw siya sa sarili niyang condominium unit at ang boyfriend niya ay sa bahay nito nakatira. "Ang gusto ko kasi, ‘yung magpapakasal ako. Hindi na ‘yung dadaan pa sa pakikipag-live-in. "Ganoon. ‘Yung ibang mga naglalabasan kasing balita, hindi talaga totoo. Iniisip lang siguro ng iba na magka-live-in kaming dalawa ni Jericho," paliwanag niya. May mga bagay raw silang pinag-aawayan ng kanyang boyfriend katulad ng pagkaka-late ni Jericho sa ibang mga lakad nila, pero hanggang doon lang daw. Never daw silang nagkakaselosan. "Si Jericho kasi, hindi mo siya makikitaan na nagpapakita siya ng motibo sa ibang babae. So, ako, hindi ako nagseselos. "Si Jericho rin, ganoon din sa akin. Never kaming nag-away dahil sa selos-selos," sabi pa ni Heart. *** Ayon kay Becky Aguila, magre-re-shoot ng ilang eksena sa episode ng isang pelikulang magkasama sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Wala raw problema sa istorya ng episode na ‘yon, pero may ilang eksena raw na defocused. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|