Billy Balbastro

Jun Lalin

Allan Diones

Abu Tilamzik


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Rudy, kokonsulta sa Japan


Nakausap naming muli si Lorna Tolentino sa grand opening ng Forever Flawless sa SM Bacoor.

Nasa opening siya sa 13th branch na ito, kasama ang teen endorsers na sina Mark Herras at Yasmien Kurdi.

Nasa bahay na si Rudy Fernandez kahit may "forced diabetes" siya pero tuloy ang chemo niya. Last week lang, nagkaroon siya.

Pero lumalabas din sila. Dumalo sila sa birthday party ni Paul Cabral sa Sugi sa Greenhills.

At sa bahay nila ay may mga kaibigang bumibisita. Katulad nina Amy Austria at Isabel Rivas.

Sina Raph at Renz ay nag-a-adjust ng schedule sa kanila. Kung nasa bahay lang sila ni Rudy, nasa bahay rin ang mga bata.

Kapag may pupuntahan sila ni Rudy, lumalabas din sila.

Naghahanda ngayong Mayo sina Lorna at Rudy na mag-Tokyo, Japan to see Dr. Shinna para sa tumor sa liver ni Rudy.

Siya kasi ang doctor na gusto ng doctor nila, si Dr. Gina Bagsic. Ayon kay LT, inaayos na ang mga papeles nila.

***

Naiiyak si Sharon Cuneta kapag nagkukuwento siya tungkol kay Mother Lily (ninang niya sa first marriage niya) na dalawang beses na nagkaroon ng press gathering para sa mister niyang si Kiko Pangilinan.

Aba, may reenactment pa ng wedding dahil wedding anniversary nila the day (April 28) before -- with rice-throwing at doves.

With the Pangilinan family complete, dumating din si Judy Ann Santos para magbigay ng moral support sa kanyang "Ate".

Remember ang Manila filmfest movie nilang Magkapatid? Aba, naroon din si Direk Joel Lamangan!

Ayon kay Sharon, even before the campaign, may message na siyang natanggap mula kay Juday na tutulong ito kung puwede sa schedule nito, basta ipaalam lang ni Sharon.

Lalo raw napaiyak si Sharon nang napanood niya sa email ang political endorsement nina Juday at Ryan Agoncillo.

May message pa raw si Juday para sa kanya na nagsasabing to the effect, "Ate, inilalako na namin ni Ryan si Kuya Kiko… may gustong humabol daw, si Mommy Carol."

Ayon kay Ka Alfie Lorenzo na mentor-manager ni Juday, hindi niya alam sa simula what was happening.

Basta tinanggihan niya ang tatlong endorsements worth P10M. Na kina Kuya Kiko at Ate Sha ang puso niya.

Patuloy ni Alfie, "Nang sinabi niya iyon sa akin, nagyakapan na lang kami."

***

Tamang-tama pala ang paglipat nina Sarah Geronimo sa kanilang bago at malaking bahay sa St. Charbel Executive Homes sa Tandang Sora area, Quezon City.

Parang graduation gift ito ni Sarah sa sarili niya dahil nakatapos siya ng high school kahapon sa Angelicum College.

Tuwang-tuwa ang mga kaibigan namin na dating kapitbahay nina Sarah sa inuupahan nilang place noon sa St. Charbel I.

Alam nila na talagang kumakayod si Sarah para sa kanyang pamilya. At ang malaking bahay sa St. Charbel Executive Homes ay patunay ng sipag ni Sarah at pagmamahal sa pamilya.

Iyon lang, ayon sa dating kapitbahay, sana tulungan din si Sarah at ng ina nito ng mga ate ni Sarah sa pag-aayos ng bahay.

Ayon sa isang kaibigan namin, kayod nang kayod si Sarah pero ang mga ate niya ay tila walang malasakit sa bahay.

Baka okey na sila ngayon dahil sa ganda ng kanilang bagong bahay.

***

ONE-LINER: Wala kang makukuhang bago kung hindi ka bibitiw sa luma.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top