|
|
ENTERTAINMENT
Sharon tinitingala si Susan Sa pa-presscon ni Mother Lily Monteverde
kamakalawa nang gabi para sa 11th wedding anniversary nina
Sharon Cuneta at senatoriable Kiko Pangilinan, kinunan namin ng reaksyon
ang Megastar hinggil sa pahayag kamakailan ni Ms. Susan Roces sa isang
interview ng Startalk
na hindi nito maituturing na kaibigan sina Sharon at Mayor Vilma Santos. "You know? I did not see the interview. ‘Di ba, ang hirap-hirap mag-comment sa isang bagay na hindi mo actually narinig o napanood?" simulang paliwanag ni Sharon. "I am from show business. Usually, when I’m interviewed, there are some things na pag in-edit, iba na ‘yung meaning. So, I wanna know, I wanna see it if I can or I wanna know where it came from. "I do not know kung paano sinabi, kung saan galing, hindi ko alam kung anong nai-feed, kung anong nangyari, anong pinanggalingan o sinong nakausap before the interview. I don’t know, I didn’t see it. "Pero ang sure ako, I did a movie with her (Ms. Susan) in 1988 (Buy One, Take One) before I did Kahit Konting Pagtingin in 1990 with FPJ. We weren’t very close in ’88 and I became very close to Tito Ronnie nu’ng nabubuhay siya. It went way beyond the movies that we shot. "But what I know is that there was a time pa na ang tawag ko sa kanya ay ‘Mama Swanie’ when everyone was calling her Tita Inday. Huminto lang ‘yon after that thing happened nu’ng EDSA-Dos. "Kasi, alam kong so many were affected, so many personalities and relationships, whether gusto o ayaw mo. So, ang hirap sumagot nang hindi mo napanood… "Basta ako, what I did see and actually appreciate to this day is the interview that ABS-CBN did with Mary Grace (adopted daughter nina FPJ at Susan) when she just came here and when she said, ‘Well, I don’t know him well enough to say I hate him…’ "She was talking about Kiko, pero obviously masama ang loob niya. And that was really perfectly understandable. Emotions are really running high now kasi, eleksyon pa, eh! Ang hirap! "Pero ang hinding-hindi ko malilimot at ang lagi kong ite-treasure sa interview ni Mary Grace was that, nililinaw nila na kaibigan pa rin ang turing nila kay Sharon. I thought it was just right kaya saludo talaga ako, I cannot expect anything less sa pagpapalaki nila kay Mary Grace! "So ako, no matter what, habambuhay, mamahalin ko si FPJ. Mamahalin at titingalain ko si Susan Roces, si Tita Susan, at igagalang ko at mamahalin din -- tanggapin man nila o hindi -- ang buong pamilya nila," seryosong pakli ni Sharon. *** Binanggit namin kay Shawie na nagpahayag ng gano’n si Ms. Susan bilang tugon na rin sa mga nagtatanong kung bakit hindi nito personal na ineendorso sina Kiko at Ralph Recto katulad ng ginagawa nito kina senatoriables Richard Gomez at Chiz Escudero. "Maybe if it’s coming from that, hindi kaya dapat understandable ‘yon? Kasi, hindi naman niya talaga kilala si Kiko. I don’t know her relationship with Ralph or Ate Vi… alam ko lang ‘yung sa amin. "So, I think it’s understandable if it’s coming from that. Kaya nga ang hirap mag-comment, eh! Thanks for telling me that," sey ni Mega. Maging si Sen. Kiko ay nagpahayag na nalulungkot ito sa sitwasyon at umaasa itong sana ay magkaayus-ayos din sila ng kampo ng biyuda ni FPJ. "Alam mo, sinabi ko ‘yon in an earlier interview nu’ng umpisa pa lang ng kampanya. Ang isa kasi sa pinakamasakit sa puso ng isang asawa, artista ka, tapos biglang ang daming nangyayari sa buhay natin minsan na hindi natin pinlano, hindi natin alam, ‘di ba? "So, parang hindi ko akalain na ‘yung pakakasalan ko pala, someday ay magiging senador. All those years, I would always say I don’t wanna marry a politician because it took my dad away so much, ‘yung politics… "Helloooo!! ‘Di ba? Ha! Ha! Ha! Minsan, kung ano ‘yung balak mo, hindi naman nasusunod, eh! Hindi ikaw ‘yung in control, eh! "Ako, I have learned to take things na lang with a grain of salt. Kasi, kung didibdibin at pepersonalin mo lahat, ako pa naman iyakin, madaling masaktan, mawawalan ako ng lakas ng loob palagi. "Pero siguro at this point, ipapasa-Diyos ko na lang. At ako, sinabi ko kay Kiko, I’m sorry but there have already been so many friendships na naapektuhan. Whether gusto mo o hindi, maaapektuhan, eh! "Maikuwento ko lang; Susan Tagle (right hand person ni FPJ) I think was beside FPJ when he said this the last time we talked on the phone, which was the day of the elections (2004). "I’ll never forget this. It’s the same thing Pres. Erap said when I finally got to talk to him this year. But FPJ said to me three years ago, ‘After all of these, we’d still be together. It’s just politics!’ "‘Yun ang words ni FPJ sa akin. And I know Susan Tagle was there, si Tag is gonna attest to that. And it was so uncanny that just this year, sa birthday party ni Daboy, I finally got to talk to Pres. Erap and he said also to me, ang words naman niya, ‘After all of these, we’d still be friends!’ "Kasi, he was close to my father nu’ng mayor pa lang siya at mayor ang daddy ko. Mahal siya ng daddy ko. So, ang dami talagang naapektuhan! "But can I just say this? The things that I would probably would always hate -- I would use the word hate -- the most, is the fact that for some strange reason, I always find myself to be in the middle of a situation I would rather not be in the middle of. "So, minsan ano ‘yan eh, hila rito, hila roon! Mas maganda pa rin ‘yung magkakakampi, pero talagang hindi lang nagkakataon na ganu’n minsan. "Ako naman, sumusunod lang ako. Sa Bibliya na lang tayo, huwag na tayong magsabi ng iba-ibang pangalan… "’Pag nag-asawa ka, pati magulang mo, sabi ng Diyos, kung kailangang iwanan mo, sumama ka sa asawa mo, ‘di ba? Eh, ‘yun pa kayang kaibigan o kakilala o nakaeksena o nakatrabaho? I mean, ganu’n lang naman ‘yun, eh! "Sa ayaw mo’t sa gusto mo, ano bang choice mo? Ang ipa-prioritize mo, ‘yung pinakasalan mo na tatay ng mga anak mo. ‘Yun lang naman ‘yon. But in the end, pagdating ng araw, matatapos din lahat ito. "Magkakaalaman naman kung anong laman ng puso ng bawat isa, eh! Ang nakakatawa, ang daming nagku-comment, hindi naman nila alam. "Wala pang nag-aabalang magtanong sa akin mula’t mula kung saan ba ang puso ko from the beginning, eh! Wala namang may alam, ‘di ba?" aniya pa. *** So, para sa kanya ay friends sila ni Ms. Susan Roces? "I have never said hindi ko sila kaibigan. And I don’t throw the word ‘friend’ around lightly. I only use it for people that I have felt loved by or have loved. At kasama sila roon. As I’ve said, basta habambuhay, nandiyan ang pagrespeto at pagmamahal ko sa kanila. "Kaibigan ko sila. Maraming bagay na nangyayari sa bansang ito na sa kasawiang palad ay nadadamay ako dahil ang asawa ko ay isang pulitiko… na sana kung maaari lang ay hindi na ako nadamay pa. Alam mo ‘yon? Kasi, napakahirap mapagitna. Napakahirap talaga! "Kaya ngayon, ayoko na nang may personal relationships na naaapektuhan dahil sa politics. I would just keep praying na sana, ‘yung mga minahal ko… lalung-lalo na ang pamilyang Poe, habambuhay, anuman ang sabihin, sa isipan ko, sa puso ko ay alam ng Panginoon, mahal ko sila!" madamdaming sambit ni Sharon. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|