'Disturbia' #1 pa rin sa takilya

TV RATING


Showbiz Today

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

'Disturbia' #1 pa rin sa takilya


Nanguna pa rin sa takilya ng North America last weekend ang suspense thriller na Disturbia, na humigit-kumulang sa $9.1M ang hinamig last weekend.

Umabot na sa $52M ang domestic gross ng pelikulang ito ni Shia LaBeouf.

***

Bukas (Miyerkules) ang ika-12 at huling weekly search ng Boylets 2007 sa Club Manhunt, 1214 Arquiza St. cor. M. H. del Pilar St., Ermita, Manila.

Mag-o-Oblation Walk daw ang anim na kalahok sa paligsahang ito.

Ang entrance ay P200.

***

Hinatulan ni Big Brother ng forced eviction ang housemate na si Maricris dahil sa paglabag nito sa violation rule ni Kuya kung saan ipinagbabawal ang pananakit sa sarili, sa kapwa housemate, o maging ang pagbigkas ng intensyong manakit.

Ang desisyon ni Kuya ay batay sa pag-aaway sa pagitan nila Beatriz at Maricris. Pinaratangan ni Maricris si Bea na may gusto kay Nel.

Nagkaasaran ang dalawang babae. Lumabas si Maricris sa garden ng Bahay ni Kuya at sinabing, "Dito muna ako baka masaksak ko si Bea."

..***

Nabuhay muli sa pirated DVD ang mga lumang sex video nina V at P.

Halos hindi na maaninag ang mukha ni V. Panahon pa ng betamax nang kumalat iyon.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top