Kinoronahang hari at reyna sina Alley Quisay at Ailyn Murillo sa 4th RunCPI (Runners Confederation of the Philippines, Incorpora-ted) Fellowship Run (Takbo Para sa Pagkakaisa) paalis at pabalik sa Philippine Army Grandstand sa Taguig City kahapon ng umaga.
Tinrangkuhan ni Quisay, 27, tubong Bolinao, Pangasinan, panlima sa siyam na mag-uutol ng mangingisda at pangkaraniwang maybahay at private first class na pansamantalang inilagak ng Philippine Army SFRA-Socom sa Special Service Unit, ang siyam na militar-pulis sa 10 mga pinarangalan sa 10-kilometer men’s division footrace.
Tumyempo ng 31 minuto’t 43 segundo, kumawala siya sa girian nila sa pinaleng anim na kilometro ng taga-PA (2ID) na si Adonis Lubaton (33:06) para mapasakamay ang cash at Champion Authentic Athletic Sportswear gift certificate na iniabot nina SportsConnection Philippines, Inc. president Adi delos Reyes, RunCPI senior adviser/board member at event race director Samson Tucay at RunCPI officials Edgar Estrada (prexy), Cesar Contreras (veep) at Rosemarie Casareo (secretary).
Tumersera ang sundalo rin ng Army na si Bowen Montecillo (33:14) habang napabilang sa Magic 10 na may mga gantimpala ring natanggap sina Romeo Marquez (34:04), Esmeraldo Ondoy (35:06), Leomar Mirasol (34:53), nag-iisang sibilyan sa grupong si Joselito Peñaranda ng Caloocan City (38:30), Alyne Mendoza (38:42), Edgar Serrano (39:38) at Gerald Balansi (40:15).
Wala namang nakasalubong na hamon sa takbuhang sinuportahan ng Pocari Sweat ang Dusit Hotel-Makati City room attendant at nagpapa-enlist sa Team Army SSU ang 5-foot-1, 22-anyos, isinilang sa Taguig at pangalawa sa limang supling ng retired machinist at housewife na si Murillo na nagtala ng 43 minutes at 30 seconds.
Pumangalawa at pumangatlo sina Anna Vargas ng SSU-Ascom (43:30 din ang time) Suseth Penafiel (47:22) sa pag-angkin din ng mga sundalo’t pulis sa siyam sa top 10 winners ng mga babae.
Kabilang dito sina Teresita Maymaya (49:40), Catherine Velasco (50:02), Maricel Cabacungan (50:22), civilian at M2 Global Runners bet Maria Fe Dumandan (51:01), Claire Mercado (51:07), Junayon Pormento (51:55) at Milyn Morados (51:56). |