Nagsama-sama bilang mga early leaders ang Cebu, Batangas at Manila nang pabagsakin ang kani-kanilang mga opening rival sa pagpalo ng Baseball Philippines Series 3 tournament sa Rizal Baseball Stadium sa Malate, Maynila kahapon.
Magandang simula ang ipinakita kaagad ng Series 2 champion Cebu sa kanilang title-retention campaign nang durugin ang Forward Taguig, 6-2.
Nagbigay man sina Sandy Cerillo at Jeffrey Ardio, na pumalit sa nakaraang season na MVP na si Joseph Orillana, ng pinagsamang anim na hits, nakaresbak ang Dolphins gamit ang solidong depensa at magandang fielding upang manalo.
Pumalo si actor/sportsman Richard Gomez ng isang single sa right field na nagpatakbo kay second baseman Jonard Pareja sa home plate, ang isa sa tatlong runs ng Dolphins sa second inning na nagbigay sa kanila ng 4-2 lead at di na muling lumingon pa. Umeksena rin ang expansion team Batangas nang suwagin ang Dumaguete, 14-8.
Ang Series 2 runner-up na Manila naman ay hiniya at blinangko ang pilot series champion Makati, 5-0, para makasama sa mga buenamanong nagsipagwagi.
|