Auburn Hills, Mich. (AP) --- Sa pagbabalik ni Richard Hamilton sa lineup ng Detroit, nagpakawala ito ng 14 points para tulungan ang Pistons sa pag-alpas sa pilay na Cleveland Cavaliers, 85-71.
Nakasigurado na ang Cleveland ng puwesto sa playoffs sa Eastern Conference, pero hindi masyadong masaya si LeBron James dahil bugbog ang Cavs na may siyam na laro pang natitira sa regular season.
Nakapuwesto sa post-season ang Cavs matapos matalo sa sariling teritoryo ang New Jersey Nets kontra Phoenix Suns.
Sa East Rutherfor, N.J. tumikada ng 33 pts. at humablot ng 15 rebounds si Amare Stoudemire para pangunahan ang Phoenix Suns na mailusot ang panalo kontra New Jersey Nets, 110-104.
Nanggulat pa si Shaquille O’Neal na gumawa ng hindi inaasahan: Naipasok niya ang kanyang mga free throws kaya nakasosyo ang Suns sa Los Angeles Lakers sa first place sa Pacific Division.
7-of-10 si O’Neal sa free throw line, malaking bagay dahil hindi siyento-por-siyento ang inilaro ni Steve Nash dahil sa pananakit ng balikat. Tumapos lang si Nash ng 10 points kabilang ang dalawang 3-pointers sa fourth quarter, at 11 assits.
May ambag na 21 points si Leandro Barbosa, at tumapos si O’Neal ng 17 points kaakibat ang seven rebounds.
Nanguna naman si Vince Carter sa tinikadang 30 points para sa Nets, na dalawang sunod na laro nang sumesemplang at dalawang laro na ring naghahabol sa Atlanta para sa final playoff berth sa Eastern Conference.
|