MARCH 31, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


  Matitikas sa opener
(Vladimir Eduarte)
Mga laro bukas:
(The Arena, San Juan)
2: p.m. Lyceum vs AdU
4 p.m. CSB vs FEU

Bumuwenamanong panalo ang Ateneo de Manila University sa pagsiklab ng 5th Shakey’s V-League 2008 first conference sa The Arena sa San Juan City kahapon nang kaladkarin ang Lyceum of the Phi­lippines University, 25-23, 29-27, 25-17 straight set victory.
Sumunod naman kinagabihan ang three-time runner-up San Sebastian College sa yapak ng Ateneo nang biktimahin ang bagong saltang College of Saint Benilde, 25-11, 25-18, 25-23.
Dikitang laro ang ipinakita ng Lady Eagles at Lady Pirates sa u­nang da­lawang frames ngunit nangi­babaw ang Ka­ti­punan-based squad para sa 2 set lead.
Pagpasok ng third frame, ibinuhos nang lahat ng Ateneo ang kanilang lakas sa pangunguna nina Thai guest player Pu Kanchana at team captain Charo Soriano.
Nang maipasok ni Lady Pirate open spi­ker Jane Jarin ang isang hit para itabla ang laro sa 27 sa second frame, agad sumagot ng isang matulis na kill si Kanchana para lumapit ang Ateneo sa set point.
Tinangka pang mag-rally ng Lyceum pero hindi nila napi­gil ang outside hit ni Soriano at tuluyan nang nakuha ng Ateneo ang second set.
Ang 20 sa kabuuang 22 hits ni Kanchana ay mula sa atake sa net. Si Soriano naman ay may 17 puntos para sa pambuwenamanong panalo ng Ateneo na nagkasya sa third place noong nakaraang conference.
Sa pagtutulungan nina Kanchana at Soriano, nakalayo ang lady Eagles sa 19-12 sa third set at hindi na nakahabol ang LPU.
Nanguna si Beverly Boto sa natipong 18 puntos para sa Lady Pirates, at may 13 si Jarin.
Magandang pagsisi­mula rin ito sa bagong coach ng Lady Eagles na si Michelle Laborte na pumalit kay Ron Dulay na nagbitiw pagkatapos ng University Athletic Association o the Philippines women’s volleyball tournament.
Ang pangunahing objective ng Ateneo, a­yon sa kanilang bagong coach, ay makatuntong lang sa Top 2 at tiwala siyang kayang gawin ito ng kanyang players.
“May kulang pa kami, dumating lang si Kanchana last Thursday and I’m sure na makaka-adjust ang mga players as the tournament goes along,” ani Laborte pagkatapos ng laro.
 

 


Microsoft Internet Explorer 7