MARCH 31, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


 

GOOD START

Bulls, Express pakitang-gilas

ni: Ramil Cruz

STANDINGS
TEAMS W L
Coca-Cola 1 0
Air21 1 0
Red Bull 1 0
Talk ‘N Text 0 1
Welcoat 0 1
Brgy. Ginebra 0 1
Magnolia x x
Sta. Lucia x x
Alaska x x
Purefoods x x
Mga laro sa makalawa:
(Araneta Coliseum)
4:50 p.m. - Santa Lucia Realty vs Alaska Milk
7:20 p.m. - Purefoods Tender Juicy Hotdogs vs Magnolia Fruit Drinks

Pakitang-gilas din kaagad ang Red Bull Ener­gy Drinks at Air21 nang dispatsahin ang magkahiwalay na oposisyon sa pangalawang araw kagabi ng 2008 Smart Philippine Basketball Association Fies­ta Conference sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Sinubi ni Cyrus Baguio ng siyam sa kabuuan niyang 23 na puntos sa fourth quarter para siguraduhin ang pagsuwag ng Red Bull sa Barangay Ginebra San Miguel, 89-83, habang umibabaw may makinang ding debut sa pro league si Adam Parada na umibabaw sa girian ng import kay Rahshon Turner.
Nagtatak ang pinakamatangkad sa 12 reinforcement sa pro league na si Parada, may taas na pitong talampakan at beterano ng maraming National Basketball Association pre-season tournaments sa Tate ng 28 points, 21 rebounds at 5 block shots kumpara kay Turner na nagsumite lang ng 12 markers at 19 boards.
Naghabol sa halos kabuuan ng digmaan ang Bulls na tumalim ang mga sungay patungo sa endgame sa pagsalakay sa nangarag na Kings, na umabante ng siyam na puntos.
Binalewala naman ng Air21 ang kakulangan sa mga kawal na may iba’t ibang karamdaman at ang pagkakaroon ng dalawang import ng Welcoat Paints nang malambat ang 105-96 victory sa pampalabok na giyera.
Sinamahan ng kampo ni coach Joseller Guiao at ng cargo forwarders sa maagang pagtrangko ang Coca-Cola, na tinibag kamakalawa ang Talk ‘N Text sa out-of-town game sa Panabo City, Davao del Norte, 87-79.
First Game:
Air 21 105 - De Ocampo 25, Santos 24, Thomas 23, Canaleta 14, Cruz 7, Arboleda 5, Kramer 4, David 3.
Welcoat 96 - Wainwright 24, Santee 19, Mente 13, Keep 12, Tangkay 8, De Vance 6, Reyes 6, Ibanes 5, Isip 3, Arana 0, Baguion 0.
Quarterscores: 29-24; 52-34; 74-65; 105-96.
Second Game:
Red Bull Energy Drinks 89 - Parada 28, Baguio 23, Hrabak 11, Najorda 7, Robinson 6, Alvarez 4, Cruz 4, Adriano 4, Sharma 2, Ybanez 0, Pennisi 0.
Barangay Ginebra San Miguel 83 - Caguioa 33, Turner 12, Reavis 11, Helterbrand 9, Pablo 6, Tubid 4, Menk 4, Pacana 2, Artadi 2, Wilson 0.
Quarterscores: 27-25, 41-47, 63-69, 89-83.

 

 


Microsoft Internet Explorer 7