MARCH 31, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
Pinagbabantaan
Romance Tonite ni: Tita Nora
 

Dear Tita Nora,
Just call me, Izah. Sumulat po ako sa inyo, Tita dahil alam kong matutulungan ninyo ako.
Ang boyfriend ko kasing si Mandy ang matagal ko nang pinoproblema.
Akala ko kasi nu’ng una ay mabait siya at responsable pero boyfriend ko na siya nang malaman kong palabarkada pala siya at gumagamit ng droga (bawal na gamot).
Aaminin ko pong hindi na pagmamahal ang nararamdaman ko sa kanya ngayon kundi takot. Pag nasa impluwensya kasi siya ng bawal na gamot ay kakaiba ang pagkatao niya.
Ilang beses na rin akong nakikipag-break sa kanya pero nagbabanta siyang magpapakamatay. Naaawa naman po ako at nakokonsensya kung ako pa ang dahilan ng pagkawala niya kung sakali. Kaya kahit ayoko na ay napipilitan na lang akong harapin at pakisamahan siya.
Pagpayuhan n’yo po ako, Tita. Ayoko naman pong makapag-asawa ng adik.
Izah

Dear Izah,
Kung awa na lang at di pagmamahal ang nararamdaman mo sa boyfriend mo’y maiging sabihin mo na ang totoo.
Huwag mong isakripisyo ang damdamin at magiging kinabukasan mo sa isang lalaki kung ngayon pa lang ay batid mo nang ‘impiyerno’ ang patutunguhan mo. Maging praktikal ka’t isipin mo rin ang sarili mo.
Kausapin mo siya nang masinsinan at makipag-compromise ka sa kanya. Ilatag mo ang mga ayaw at gusto mo. Kung talagang gusto niyang magtagal ang relasyon ninyo’y sisikapin niyang magbago. Kumbinsihin mo rin siyang umiwas na sa kanyang bisyo o kaya’y himukin mo siyang magpa-rehab (rehabilitation center) nang magamot siya, magbago at di nananakot.
Hindi sa lahat ng oras ay kailangang kunsintihin mo siya at hayaang ma-trap sa pang-e-emotional blackmail niya. Kung talagang ayaw ka niyang tantanan, inaakala mong wala na talagang remedyo at patuloy siyang nagbabanta sa iyo ay isuplong mo siya sa mga awtoridad.
Good luck and God bless you.

Love,
Tita Nora

 

 

Microsoft Internet Explorer 7