MARCH 31, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
Bridesmaid iniisip ang bestman
Payong Kapatid ni: Kuya Rom
 

Dear Kuya Rom,
Noong February, na­ging bridesmaid ako sa isang kasalan. Pinsan ko ang bride. Dati kong classmate ang groom. Dito ko nakilala ang isang guy na bestman ng groom. Magkatabi ka­ming kumain sa reception. Nag-usap kami ng matagal. Parehas kaming nasa college pero magkaiba ng school. Magkalayo ang tirahan namin.
Sa aming kuwentuhan, nalaman kong iisa ang gusto namin sa mara­ming bagay. Marami na rin akong nakausap na guys, pero sa kanya ko lamang naranasan ang maging komportable kapag kausap ang isang lalaki. Hanga ako sa ga­ling niyang magpatawa at sa talino niya. Bago natapos ang wedding, kinuha niya ang cellphone number ko at ibi­nigay ko rin sa kanya ang number ko.
Mahigit isang buwan na iyon at hindi ko maalis sa isip ko siya. Gusto ko siyang ka-date. Feeling ko na love at first sight ako sa kanya. Last week, nag-text ako sa kanya at kinumusta siya. Hindi siya nag-reply, kaya’t hindi na ako nag-text muli.
Ano ang ibig sabihin ng hindi niya pagsagot? Okay lang ba na mag-text ako ulit sa kanya? Hindi ba wala sa lugar ito? Hihintayin ko ba ang kanyang sagot sa text ko? O kalimutan ko na lang siya? Thank you po sa inyong payo. -- Girlie

Dear Girlie,
Well, ginawa mo na ang first move. Ang susunod na hakbang ay nasa kanya. Kung baga sa laro nasa kanya ang bola. Wala kang magagawa kung ano ang gagawin niya sa bola.
Okay ba na mag-text ka ulit sa kanya? Ikaw ang may sabi na wala sa lugar ito, at tama ka riyan. Ang nilalaro mo sa iyong isip na maaa­ring susunod na mangyayari ay hindi isang kaso ng paghihintay pagkat wala kang basehan para umasang mangyayari ito. Malalaman mo lamang ang maaaring susunod na mangyayari sa sandaling sumagot siya sa iyo.
Para ikaw ay magkaroon ng kapanatagan sa puso’t isipan, huwag mong isipin kung ano ang maaaring dahilan ang hindi niya pagsagot. Isang pag-aaksaya ng emosyon at panahon para sa iyo ang pag-ukulan ng isip ito. Marami ang maaaring maging dahilan. Maaaring abala siya, at maaaring may girlfriend na siya.
Anyway, ang hindi niya pagsagot ay hindi nangangahulugan na ayaw niya sa iyo. Masyadong maaga para isipin mo ito.
Sa halip, ituon mo ang iyong buong isip sa pag-aaral para ikaw ay magkaroon ng mataas na grado at matagum­pay kang makapagtapos ng iyong kurso. Makakatulong ito ng malaki upang ikaw ay umunlad bilang tao, may boyfriend ka man o wala, may asawa ka man o wala. Ang pagsisikap mong magkaroon ng isang maipagmama­laking diploma bilang bunga ng pagkakaroon ng matataas na grado ay magsisilbing susi sa maraming pintuan na magbibigay sa iyo ng iba’t ibang pagkakataon para ikaw ay magtagumpay.
Having said that, Girlie, nawa’y maliwanag mong maunawaan ang katotohanan na wala kang kontrol sa susunod na mangyayari, hindi mo hawak ang hinaharap sapagkat ang hinaharap ay nasa pamamahala ng Diyos. Kaya’t mabuting ilagay mo sa kamay Niya ang iyong buong buhay at kinabukasan.
Gawin mong sentro ng iyong buhay ang Pa­nginoong Jesus. Ipasakop mo ang iyong buong buhay sa Kanyang dakila at mabuting pamamahala. Siya ang lumikha sa iyo at Siya ang higit na nakakaalam kung ano ang pinakamabuti sa iyo.
“Delight yourself in the Lord, and He will give you desires of your heart” (Psalm 37:4). Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo’y makakamtan.
Payong kapatid,
Kuya Rom

 

 

Microsoft Internet Explorer 7