MARCH 31, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
Populasyon sinisi sa rice shortage
(Eralyn Prado)
 
Ang patuloy na paglobo ng populasyon ang isa sa nakitang dahilan ni Albay Rep. Edcel Lagman kung kaya’t nahaharap sa krisis sa supply ng bigas ang bansa.
Dahil dito, ayon sa kongresista, hindi lamang umano dapat na tugunan ng pamahalaan ang kakulangan ng lupang taniman ng palay upang malunasan ang rice shortage kundi pati ang problema sa lumolobong populasyon.
“The government does not only have to address the dwindling hectarage of rice lands but it also has to contain the expan­ding population in order to avert a rice crisis,” diin pa ni Lagman.
Ayon sa solon, ang hindi mapigil na paglobo ng populasyon ay isang ma­laking banta sa seguridad ng pagkain at nagpapalala sa kakulangan ng supply ng bigas.
“The Philippines population growth rate of 2.36% as documented by the National Statistics Office outpaces the country’s annual growth in rice production which from 1990-2000 was 1.9%,” ayon pa kay Lagman.
Sinabi pa ng kongresista na hindi dapat balewalain ng pamahalaan ang paglobo ng populasyon dahil isa rin ito sa mga dahilan ng nararanasang rice shortage kasabay na rin ng panawagan nito sa Malacañang at Kongreso na bigyang prayoridad ang pagpapatibay ng House Bill No. 17 na may kinalaman sa reproductive health, responsible parenthood, family planning at population management na pangunahin niyang isinusulong.
 

Microsoft Internet Explorer 7