MARCH 31, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
BIGAS PAPALO SA P50 PER KILO
ni: Rey Marfil
 
Sa loob ng darating na limang buwan, inaasahang papalo na sa nakakalulang P50 kada kilo ang presyo ng bigas sa bansa kapag hindi nasolusyunan ang nararamdamang kakulangan sa supply.
Ito ang naging prediksyon ni Sen. Loren Legarda kaugnay sa patuloy na pagtaas sa presyo ng bigas at kakulangan ng supply na nararamdaman na ngayon sa mga pamilihan.
Ayon kay Legarda, hindi malayong maungusan pa ng bigas ang presyo ng gasolina, katulad ng pangamba ng mga magsasaka bago sumapit ang buwan ng Setyembre.
“The surge in the cost of regular commercial rice is bound to set off massive increases in the prices of other basic commodities in the months ahead. We definitely see heightened risk of runaway inflation, should ordinary rice retail prices persist at P27 to P30 per kilo for an extended period,” babala ni Legarda, chairman ng Senate committee on economic affairs.
Kasakuluyang pumapalo sa P27 hanggang P38 kada kilo ang presyo ng bigas at posibleng umakyat sa P470 hanggang P50 ang bentahan nito sa buwan ng Setyembre, mas mataas kumpara sa P45 hanggang P47 kada litro ng unleaded gasoline habang P37 ang krudo.
“We’re afraid costlier rice will drive broad consumer price increases in a bigger way, more than record-high oil prices. This is because rice is much closer to the stomach,” ani Legarda.
Hindi maiwasang ihalimbawa ni Legarda ang buhay ng isang mangingisda at maggugulay kung saan lumalabas aniyang mas mahal ang bigas na isinasaing kumpara sa gasolina na ikinakarga sa kanyang sasakyan o bangkang de-motor na ginagamit sa pangingisda.
“Small fishermen and vegetable growers could normally cope with more expensive fuel and transport, without passing the extra cost on to consumers right away. But once forced to pay more for the rice they consume every day, they will surely want to raise as well the prices of their own produce,” anang lady solon.
Maging ang farmers group, ayon kay Legarda ibinabala ang senaryong papalo sa P40 hanggang P50 kilo ang bigas sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre, malinaw aniyang walang makukuhang pagkukunan ng supply si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo taliwas sa mga naunang deklarasyon nito.
Kaugnay nito, hindi naman pinaboran ni Sen. Francis “Chiz” Escudero III, ang ‘tariff removal’ o paglusaw sa taripa sa bigas dahil wala itong magiging epekto sa katotohanang kapos sa supply ang bansa.
“Removing the tariff on imported rice will not make it cheap, just expensive from super expensive. Lest we all get excited about it, the fact is, tariff removal isn’t the magic cure to high rice prices,” ani Escudero bilang reaksyon sa aksyon ng Malacañang na alisin ang taripa sa bigas.
Aniya, tanging ang mga umaangkat lamang ng bigas sa ibang bansa ang makikinabang sa solusyong ibinibigay ng Malacañang at hindi ang mamamayang Filipino na bumibili ng bigas.
Samantala, magpapasaklolo na ang pamahalaan sa National Bureau of Investigation (NBI) upang madakip ang mga “big time smugglers” ng bigas sa iba’t ibang panig ng bansa.
Napag-alaman na inatasan ni Pangulong Arroyo si Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) Chief, Antonio Villar na makipag-ugnayan sa NBI sa isasagawang major operations laban sa mga rice smugglers at hoarders ngayong linggo sa Visayas at Mindanao.
Aminado ang Malacañang na maliban sa PASG ay malaki ang maitutulong ng NBI sa pagsawata sa mga hoarders at rice smugglers partikular yaong malalawak na ang koneksyon sa naturang ilegal na aktibidad. (With Rose Miranda)
 

Microsoft Internet Explorer 7